• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpapasalamat si Jerald Napoles na nakatrabaho niya ang tatlong iconic comedians.

Jerald Napoles, hindi ine-expect na makakatrabaho ang tatlong comedy icons na sina Janno Gibbs, Andrew E, at Dennis Padilla

Nagpapasalamat si Jerald Napoles na nakatrabaho niya ang tatlong iconic comedians.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/04/2020 01:47 PM
Jerald Napoles, hindi ine-expect na makakatrabaho ang tatlong comedy icons na sina Janno Gibbs, Andrew E, at Dennis Padilla
Photo Credit: @viva_films Instagram

“Hindi ko in-expect na magkaka-pelikula ako as a comedian kasama yung mga iconic comedians kasi matatanda na yung mga yon, eh.”

Ito ang pabirong pahayag ng aktor na si Jerald Napoles pagkatapos niyang makasama sina Janno Gibbs, Andrew E, at Dennis Padilla sa pelikulang Pakboys:Takusa ng Viva Films na official entry sa Metro Manila Film Festival 2020 at mapapanood online simula December 25.

Dugtong pa ni Jerald, “Bata pa lang ako napapanood ko na sila. Ganu’n sila katatanda. Pero ganu’n kasi sila ka-iconic at legendary.


“Each and every one, merong blockbuster na pinatunayan. For me, parang passing of torch yung feeling sa akin. Sobrang nakaka-proud lang.”

Sa movie ay gaganap na tattoo artist si Jerald na kaibigan naman nina Janno, Dennis, at Andrew E na pare-parehong babaero pero takot naman sa kani-kanilang mga misis.

Malaking pasasalamat din ni Jerald sa Viva na katulad nina Andrew E, Janno, at Dennis ay bida rin siya sa Pakboys: Takusa.

“Salamat, Boss Vic. Si Boss Vic ang nag-decide na isali ako dito, eh. As in narinig ko sa bibig niya,” lahad pa ng stage actor.

Hindi ba siya nahirapang mag-adjust sa tatlo considering na mas bata nga siya sa kanila?

Tugon ni Jerald, “First time kong makatrabaho sila. Since senior ko sila tina-try ko mag-adjust kung paano ba yung lenggwahe ng comedy. Inaalalayan naman ako lagi ni Kuya Janno. So mabilis nang sakyan. Saka may allowance for experimentation.”

Kuwento pa ni Jerald, naging very happy silang lahat sa set ng pelikula habang sinusyut ito.

“Ang saya ng set kasi may kanya-kanyang character bawat komedyante. Siyempre, kapag komedyante kahit off cam tuluy-tuloy ang pagpagpapatawa.

“Ang saya lalo na kapag ang Dennis Padilla nagsimula nang bumangka. Napakasaya. Sa sobrang saya namin sa set hindi namin puwedeng i-post. Ganu’n kasaya. Kumbaga, kung anong nangyari du’n sa set, hanggang doon na lang yon.”

Gayunpaman, sumunod daw sila sa istriktong health protocol dahil inabutan ng COVID-19 pandemic ang kanilang shooting.

Of course, bago ang shooting ay sumailalim daw muna sila sa swab test at nag-quarantine.

“Hindi kami lumabas hangga’t hindi pa lumalabas yung resulta. Ganu’n ka-strict yung protocol namin. Hanggang sa may mga nali-late na result, which is hindi umabot the next day, which is the start of the shoot dapat.

“And then, bawal lumabas sa vicinity. Bawal makipaghalubilo sa mga locals. Nandu’n lang kami sa resort, sa paligid ng resort. Pati yung protocols habang nagshu-shoot sinunod namin,” huling pahayag ni Jerald.