• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon sa mga ulat, in the process na ang isang proyekto na nakatakdang gawin ni Janine Gutierrez sa Kapamilya network.

Janine Gutierrez, soon to be Kapamilya?

Ayon sa mga ulat, in the process na ang isang proyekto na nakatakdang gawin ni Janine Gutierrez sa Kapamilya network.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/31/2020 01:38 PM
Janine Gutierrez, soon to be Kapamilya?
Photo Credit: @janinegutierrez Instagram

Tila in the works na ngayon ang napipintong ober sa bakod ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

 

 

Kasunod ito nang inilabas na pahayag ng talent manager na si Lolit Solis sa kaniyang Instagram account kung saan, inihayag niya ang tila pahiwatig na paglipat nga ng aktres ng kinabibilangang network.

“Nakapag tataka kasi na ang balita na lilipat si Janine Gutierrez sa ibang network samantalang ang BF niyang si Rayver Cruz lumipat naman from Channel 2 to GMA7,” bungad ni Lolit sa kaniyang mahabang Instagram post.

Ayon pa sa talent manager at veteran columnist, tila hindi rin umano masaya ang boyfriend ni Janine na si Rayver Cruz sa takbo ng karera nito sa GMA7.

Si Rayver ay dating nasa poder ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

“Para bang hindi klaro na masaya si Rayver sa takbo ng career niya under Artists Center, samantalang si Janine na under the same management hindi na renew ang kontrata. Malaki siguro dahilan, kaya kailangan maghanap ng bagong bahay si Janine.”

 

 

Samantala, sa ulat naman na nakalap ng PUSH, nagtapos nitong nagdaang Nobyembre 1, 2020, ang kontrata ng 31-year old actress sa GMA Artist Center.

 

 

Simula noon, wala pa rin umanong malinaw na desisyon ang GMA Artist Center sa karera ng kanilang talent sa nagtapos nitong kontrata.

Ayon kay Solis, ito rin marahil ang dahilan ng kampo ng aktres para buksan ang oportunidad na makipag usap sa ibang network upang maipapagpatuloy nito ang talento sa pag-arte.

Sa “Cabinet Files” Jojo Gabinete, tila nagpahiwatig ito sa kaniyang inilabas na ulat na isang Kapamilya project sa unang bahagi ng 2021 ang nakatakdang pagbidahan ni Janine kung saan, isasabay ang launch niya bilang isang Kapamilya.

Sa ngayon, wala pang tiyak at opisyal na pahayag ang ABS-CBN sa naglalabasang ulat na ito.