• Home
  • Fresh Scoops
  • Kahit wala siyang masyadong projects ngayong taon, gusto ni Kris Aquino mamigay ng tulong sa iilang tao na naapektuhan ng pandemiya.

Kris Aquino, may planong tumulong sa ilang taong naapektuhan ng mga lockdown

Kahit wala siyang masyadong projects ngayong taon, gusto ni Kris Aquino mamigay ng tulong sa iilang tao na naapektuhan ng pandemiya.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/30/2020 02:25 PM
Kris Aquino, may planong tumulong sa ilang taong naapektuhan ng mga lockdown
Photo credit: @krisaquino Instagram

Kahit walang masyadong trabaho at may iniindang karamdaman ay hindi pa rin kinalimutan ni Kris Aquino ang mag-share ng kanyang blessings sa ibang taong nangangailangan ngayong Kapaskuhan. Good thing lang na kahit meron siyang health issues ay may mga kompanya pa ring nagtitiwalang kunin siyang endorser.

Nitong Christmas ay hindi nakalimutan ni Kris na magbahagi ng biyaya sa ilang kaibigan sa media na matinding naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya. Gusto rin niyang makatulong kahit sa maliit na paraan sa ibang tao na nawalan ng trabaho.

READ: Here’s why Kris Aquino and sons will not be spending Christmas abroad this year


Sa video na ipinost ni Kris habang nakasakay ang mga anak sa golf cart sa Tarlac na may caption na “The day after Christmas” ay masaya niyang ibinahagi kung gaano kasuwerte ang kanyang pamilya kaya gusto niyang makatulong naman sa iba.

“Alam kong sobrang swerte ako because I have the capacity to give my sons the gifts they were wishing for. Now, this is my wish — na makatulong sa inyong makabangon, most especially ‘yung mga na retrench sa trabaho.

“My mom by her example taught me: kung mag-isa ka lang na aangat, mas madali kang babagsak kasi wala kang natulungan para patibayin ka o saluhin ka sa oras na ikaw naman ang nangailangan.

“Nagpa compute po ako, ang weekly minimum wage is P2685, It’s my wish to give people hope that they still have a chance to find a new job, a new opportunity.

“My team will be resting but on January 3, we’ll announce the 50 of you who will be chosen from IG & FB to receive the P2685 from me.

“On January 25, my mom’s birthday, another 50 of you will receive P2685. It’s my way of expressing my love for all of you, my followers, and my feeling of being responsible to do what I can para tulungan ang (Pilipinas) na makabangon. LABAN NATIN ‘to at maaasahan n’yo ko,” pahayag ni Kris.

Ang wish naman niya para sa 2021 ay,  “Let’s have a healthier, kinder, and more compassionate 2021! #lovelovelove.”