• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagamit ni Rachel Peters ang kanyang natutunan sa pag-susurf sa pagsagip ng isang taong muntik nang malunod.

Rachel Peters, sinagip ang buhay ng isang taong muntik nang malunod

Nagamit ni Rachel Peters ang kanyang natutunan sa pag-susurf sa pagsagip ng isang taong muntik nang malunod.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/03/2020 08:31 AM
Rachel Peters, sinagip ang buhay ng isang taong muntik nang malunod
Photo Credit: @migzvillafuerte Instagram

Kahanga-hanga ang ginawa ng dating Miss Universe Philippines na si Rachel Peters kamakailan kung saan sinagip niya ang buhay ng isang lalaki mula sa pagkakalunod. 

 

 

Sa isang Instagram post, proud na ibinahagi ng fiancé ni Rachel at Camarines Sur Governor na si Migz Villafuerte kung paano nasagip ni Rachel ang buhay ng nasabing tao gamit ang kanyang mga natutunan sa paglangoy at pag-susurf. 

LOOK: Rachel Peter’s beautiful African Safari

Sa nasabing post, makikita ding kasama ng beauty queen ang taong tinulungan niya. 

“So proud of my girl @rachelpetersx for saving this guy's life who got caught in a strong riptide earlier! very close call. The ocean is a whole different world and learning surfing the right way, with the right people is the best way to know the ocean! Sige na papayagan na kita magsiargao ng magsiargao pa more babe,” saad ni Migz. 

 

 

Proud din ang ama ni Rachel na si Nigel sa ginawa ng kanyang anak at sinabing: “She’s the real deal! Good, quick thinking Rach!”

Nakilala si Rachel noong 2017 nang i-representa nito ang Pilipinas sa Miss Universe competition. Sumabak din ito sa paghu-host at may sariling show kasama si Marc Nelson sa Metro Channel. 

READ: Rachel Peters gets engaged to longtime boyfriend Migz Villafuerte

Nobyembre noong nakaraan taon naman nang i-anunsyo ni Rachel ang engagement niya kay Migz.