• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘The Missing’ actress Ritz Azul talks about shooting her MMFF film in Saga, Japan last year. 

Ritz Azul on shooting ‘The Missing’ in Japan: ‘Nakakapagpahinga kami ng maayos’

‘The Missing’ actress Ritz Azul talks about shooting her MMFF film in Saga, Japan last year. 

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

12/27/2020 11:09 AM
Ritz Azul on shooting ‘The Missing’ in Japan: ‘Nakakapagpahinga kami ng maayos’
Photo Credit: @ritzazul Instagram

Playing the role of an architect with PTSD (Post-Traumatic Stress Distorder) in the Metro Manila Film Festival horror film The Missing was a cathartic experience for lead actress Ritz Azul who admitted she has to deal with some personal trauma in real life as well.

“Nakaka-relate sa character ni Iris, sobrang relate na relate ako personally dun sa character kasi yung nanay ko nagkaroon siya ng anxiety, ng depression, so mas naintindihan ko yung nararanasan ng nanay ko. Lalo akong napalapit sa nanay ko dahil dito kay Iris Valerio,” she said.

READ: Ritz Azul tries horror for the first time in ‘The Missing’: ‘Medyo nag-doubt ako sa sarili ko’


The 26-year-old actress encouraged Pinoys who like to travel to support their film. “Sa ngayon hindi tayo makalabas o makapunta ng ibang bansa, ma-fi-feel niyo na parang nakapunta na rin kayo sa Saga pag nanuod kayo ng The Missing plus mas masaya siya panuorin dahil horror, kasama natin ang pamilya at mga kaibigan. Masaya yung horror pag ganun di ba?” she said.

Ritz admitted that she and her co-stars even experienced separation anxiety or “sepanx” after flying back to the country. “Personally mas nadalian ako sa pag-shooting sa Japan kasi unang una wala kaming retouch retouch kasi walang hulas hulas. Tapos sa ilaw hindi na rin masyado kailangan ng ilaw puro reflector lang, ang ganda na kasi talaga nung lugar kaya mas madali kaming mag-set up. Mas madali rin kami matapos. Plus kasama namin yung sa Saga Film Commission na sobrang disiplinado nila. Laging on time, pag sinabing ganitong oras ang pack up, pack up agad. At nakakapagpahinga kami ng maayos. Nadalian ako,” she explained.

READ: ‘The Missing’ cast share their Christmas plans this year

Working opposite Joseph Marco (who plays her ex-boyfriend in the film) and Miles Ocampo abroad was easy according to Ritz. “Grabe si Joseph pag meron siyang hindi gusto sa eksena niya, sa line niya, halimbawa pagkatapos ng eksena sasabihin niya, ‘Direk baka puwede pa-play back?’ Parang gusto niya ma-perfect yung eksena niya. Si Miles first time ko siya naka-work sa The Missing pero matagal na kami nag-uusap pero hindi pa ganun kalalim yung friendship namin. After ng The Missing hindi na kami puwede paghiwalayin. Araw araw kami magkausap ngayon, sobrang saya. After ko nakilala si Miles gumulo ang buhay ko (laughs). In fairness sa group na ito, hindi lang sa cast but sa buong production, parang lahat kami magkakasama palagi, kumain, lahat na,” she revealed.

WATCH: Official trailer of MMFF entry ‘The Missing’

When it comes to the guidelines of shooting in the new normal, the Kapamilya actress admitted it has been a challenge that is necessary especially in times of a pandemic.

“Siyempre lahat tayo nag-adjust, malaking adjustment, parang ang daming nangyari sa buhay natin, mula sa pinakamaliit na bagay na puwede kang bumili sa tindahan ngayon hindi mo na magawa basta basta. Kaya ang mental health natin mahalaga ngayong panahon na ito. Pero para sa akin naman, i-take na lang natin positively yung new normal na it para naman sa health natin lahat yan, para mabuhay  pa tayo kailangan natin mag-adjust, maglagay ng face mask at face shield, sundin natin ang gobyerno at ngayon sa mga tapings naman namin, ang dami rin naming protocols na sinusunod.

“Medyo mahirap din sa side namin dahil nagpapatawa kami. Lalo na yung mga tao ngayon medyo nalulungkot di ba so kailangan talaga nilang tumawa and kami rin kahit medyo may mga na-fi-feel din kaming kalungkutan, kailangan natin maging positive lagi,” she explains.