Janella Salvador, bumanat sa mga basher: ‘Filipinos are the worst body shamers’

May buwelta si Janella Salvador laban sa mga body shamers.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/27/2020 06:50 PM
Janella Salvador, bumanat sa mga basher: ‘Filipinos are the worst body shamers’
Photo Credit: @superjanella on IG

Hindi napigilan ni Janella Salvador na maglabas ng sama ng loob tungkol sa mga tao na mahilig mang-body shame o mambatikos sa pangangatawan ng iba.  

 

 

Filipinos are the worst body shamers,” saad ni Janella sa kanyang tweet.  

Pakiusap naman ni Janella: “Let me enjoy my Christmas pudding in peace. Happy holidays to you too!” 

 

 

Bagama’t hindi tinukoy ni Janella kung saan nag-ugat ang kanyang post, makikita sa isang post sa kanyang Instagram account ang sunod-sunod na pangungutya sa kanyang katawan.  

Hiyang sya sa England malusog sya,” saad ng isang netizen na may username na @yolly50plus.  

Saad naman ng isang netizen: “Nakakahiyang ang lamig, nakakalakas kumain.”  

Read: Janella Salvador and Markus Paterson confirm their relationship with some sweet photos

Sa nasabing video, makikitang sumasayaw sina Janella at Markus habang tumtugtog ang “Holly Jolly Christmas.”  

An extra special Christmas of many firsts. HAPPY Holidays, everybody,” saad ni Janella sa caption ng kanyang post.  

 

 

Sa panayam ni Markus sa malapit nitong kaibigan na si Kyle Echarri, ibinahagi nito kung gaano ka-espesyal sa kanya si Janella.  

I’ve never been in love the way I am. I’ve never felt the love that she makes me feel,” ani Markus.  

Dagdag pa nito: “There is no one or thing that could make me look at another woman the way that I look at her right now.”  

Pagpapatuloy pa ni Markus, hindi niya kayang mabuhay kung wala si Janella sa buhay niya.  

"Like, it’s not even fair to my family how much I’m in love with this woman. Because I would put her above anything else. To the vague question why I'm still with her, it is because I couldn't live without her. That's as simple as it is," aniya.  

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by markus (@markus)

 

Kasalukuyang nakatira ngayon si Janella sa England kasama si Markus at ang pamilya nito.  

Napabalita naman ang pagtira ng Kapamilya star sa UK matapos ang usap-usapang pagdadalang-tao umano nito sa anak niya kay Markus.  

Read: Did Markus Paterson defend Janella Salvador in his latest tweets?

Setyembre naman nitong taon nang inamin nina Markus at Janella ang kanilang relasyon.