• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Sylvia Sanchez sa mga hinamon ng taong 2020 matapos niyang magpositibo sa COVID-19.

Sylvia Sanchez, paano nga ba hinarap ang 2020

Isa si Sylvia Sanchez sa mga hinamon ng taong 2020 matapos niyang magpositibo sa COVID-19.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/25/2020 08:31 AM
Sylvia Sanchez, paano nga ba hinarap ang 2020
Photo credit: @sylviasanchez_a IG

Hindi iaakila ng aktres na si Sylvia Sanchez na isa ang kaniyang pamilya sa mga dumaan sa pagsubok nitong taong 2020.

Kasunod ito nang paglalahad ng aktres sa kaniyang pinagdaanang COVID-19 kung saan nagpositibo rin ang kaniyang mister na si Art Atayde.

WATCH: Sylvia Sanchez at kanyang asawa, positibo sa COVID-19 | PUSH Daily


Full of challenges man ang taon, nanatiling thankful si Sylvia sa mga magagandang blessing na dumating sa kanila ng pamilya.

“Happiness at suwerte itong 2020 sa buhay namin. Yes, pandemic. Yes, nagka COVID kaming mag-asawa pero nalagpasan namin ‘to and naging mas masaya kami after noong COVID na nangyari sa buhay naming mag-asawa mas naging close,” tugon ng aktres sa panayam.

“And andaming mga hindi namin nagagawa together ng pamilya kasi busy sila. But this time, nagawa namin and ang daming dumating. Actually sabi ko nga blessings,” positibong kuwento ng aktres.

Blessing din na maituturing ng aktres ang mga oportunidad na dumarating para sa kanya at sa mga anak na si Ria at Arjo Atayde na tuloy ang achievements sa trabaho sa gitna ng krisis.

Isa na nga dito ang pagkakabilang sa 2020 Metro Manila Film Festival ng kaniyang pelikulang Coming Home.

RELATED ARTICLE: Sylvia Sanchez, mangungurot ng puso sa 2020 MMFF entry

“‘Yung sinasabi ng iba na malas-malas-malas daw ‘tong taon na to kasi pandemic alam mo ‘yon. Yes malas kasi may pandemic na dumating, pero nasa sa’yo ‘yun e kung itutuloy-tuloy mo na isipin na malas ang sa amin inaccept namin na okay pandemic may COVID, delikado e di mag ingat tayo, alam mo ‘yun, gawin natin ‘tong positive ‘yung mga nangyayari ngayon imbes na mag dwell tayo doon sa negative,” pahayag pa ng aktres.

Sa ngayon, tutok si Sylvia sa pag promote ng kaniyang pekikulang Coming Home na isa sa mga pekikulang mapapanood sa 2020 Metro Manila Film Festival.

Mapapanood ang Coming Home sa December 25 sa pamamagitan ng digital streaming na Upstream na partner ng MMFF sa pagpapalabas ng mga pelikula ngayong new normal set up.