• Home
  • Fresh Scoops
  • Jin Macapagal, umaasa pa rin na magkakaayos ng dating girlfriend.

Jin Macapagal on ex-girlfriend: ‘I don’t want her to be gone’

Jin Macapagal, umaasa pa rin na magkakaayos ng dating girlfriend.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/25/2020 08:15 AM
Jin Macapagal on ex-girlfriend: ‘I don’t want her to be gone’
Photo credit: @jinmacapagal_ IG

Bagama’t hiwalay na si Jin Macapagal sa non-showbiz girlfriend niya na nakarelasyon ng pitong taon ay umaasa pa rin siya na magkakaayos sila ng dating karelasyon. Naghiwalay si Jin at ang ex-GF niya nitong May 2020.

“I don’t want her to be gone.  I want her to be still part of my life and be friends. Love ko naman siya, eh, and love niya ako,” bulalas ni Jin sa amin.

“Right now, siguro we both need to figure out ourselves muna and now kasi that I’ve found myself na, I’m whole na, I see that hindi siya mawawala.


“Siguro tinanggap ko na maybe I was just trying to be a good boyfriend. Takot akong masaktan siya, na hindi ko siya mabitawan. Kasi I feel safe around her too, eh.

“She was my security blanket kasi I was uprooted at 12 years old, so yung family ko wala, my support system was just here and I’m really grateful for her na she’s been part of my life,” susog pa ng binata.

READ: Jin Macapagal, break na ng girlfriend of almost seven years

Sa kabila ng nangyari sa kanila ng dating kasintahan ay hindi raw naman nararamdaman ni Jin na siya ay broken.

Aniya,  “I don’t feel broken anymore kasi God’s love is always with me. Kasi now that I look within I remember na we’re all made from the image of God. And if we just look within we know that God is always with us and God’s love is always with us as long as we accept it,” katwiran niya.

Gumaganap na young Fr. Fernando Suarez si Jin sa 2020 Metro Manila Film Festival movie na Suarez: The Healing Priest na prinodyus ng Saranggola Media Productions at idinirek ni Joven Tan. Ayon kay Jin, kahit hindi sila nagkita ni Fr. Suarez nang personal bago niya gawin ang pelikula ay parang naka-encounter na rin daw niya ang healing priest.

“Para na rin kaming nagkaroon ng encounter kasi parang naging siya ay ako nung ginagawa ko yung isang eksena sa pelikula. And me, personally, I resonate so much with him during his younger years kasi at that time I was also nando’n sa point na napakarami kung tanong sa buhay,” pagtatapat ni Jin sa amin.

“Si Fr. Suarez, nung kabataan niya sa mga eksena na ginawa ko merong mga nangyayari na hindi niya alam kung paano niya malalampasan. Hindi niya alam kung saan siya patutungo instead of what he wants to do. Hindi niya alam kung ano yung purpose niya sa buhay. And at that moment then I felt the same.

“Kumbaga, bakit ko ginagawa itong role na ito? Bakit ba ako naging artista? Bakit ba ako nandito sa Manila? Kasi napaisip ako dahil sa kanya.

“And si Fr. Suarez nagkaroon siya ng resolution  sa karakter na ginawa ko at the very end and somehow natapos po yung movie, and yon maraming nangyari, ito ngang pandemic. I had to think also of the things that have happened to me.

“Kailangan ko siyang pakinggan at tanggapin to be able to find kung ano yung purpose ko. Kung ano talaga yung gusto kong gawin sa buhay. Ano ba yung magpapasaya sa akin, ano ba yung love ko? Kaya sobra akong nagpapasalamat kay Fr. Suarez, sa panginoon, kay Direk Joven na binigay nila yung opportunity na ito, na magampanan ko yung role ni Fr. Suarez nung kabataan niya,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Jin.

Mapapanood ang Suarez: The Healing Priest simula December 25 sa Upstream.ph.