• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpa-farm tour sina Angel Locsin at Neil Arce sa kanilang mga tagahanga.

PANOORIN: Angel Locsin at Neil Arce, ipinasilip ang kanilang farm

Nagpa-farm tour sina Angel Locsin at Neil Arce sa kanilang mga tagahanga.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/24/2020 11:11 AM
PANOORIN: Angel Locsin at Neil Arce, ipinasilip ang kanilang farm
Screenshot from The Angel and Neil Channel on YouTube

Ipinasilip nina Angel Locsin at Neil Arce ang kanilang malawak na lupain na gagawin nilang isang farm. 

 

 

Sa ngayon, may mga iba’t-ibang prutas nang nakatanim para sa kanilang lupain gaya ng papaya, buko, at saging.

Mayroon ding mga tanim na kape sa kanilang malawak na lupain. inaasahan naman na mas dadami pa ang mga prutas at gulay na maitatanim sa kanilang pinagkakabalaahan ngayon na tinawag nilang “Project Green.” 

READ: Angel Locsin, hinikayat na magkaroon ng reporma sa PNP sa kabila ng pagpatay sa Tarlac

Ilan pa sa mga sa mga ginawa nina Neil at Angel sa kanilang farm tour ay ang pagtatanim ng mga bagong prutas gaya ng lemon, ang pagpuputol ng damo, at paglalaro ng golf. 

Sa ngayon, kinukumpleto pa nina Neil at Angel ang mga kagamitan sa kanilang farm. 

“Wala pa tayong budget eh. Bilang hindi pa tayo mga ganap na farmers, ito napapala namin,” biro ni Angel. 

Sa ngayon, nag-iisip pa ang dalawa kung ano ang ipapangalan nila sa kanilang farm. 

“Alam niyo sa ngayon hindi ko pa alam kung ano talaga ang magandang ipangalan dito sa farm. Kasi dapat may pangalan daw eh. Kung meron po kayong suggestions kung ano ang magandang pangalan ng munting farm namin,” ani Angel.

READ: Celebrities condemn police officer who shot dead a mother and son in Tarlac

“Pwede niyo pong i-comment dito sa comments section. Ang mapipili po naming Top 5 na best answers po ay makakatanggap,” dagdag pa niya. 

Panoorin ang vlog nina Neil at Angel sa ibaba: 

Dapat ay ikakasal na sina Neil at Angel ngayong taon ngunit hindi muna ito itinuloy dahil sa iba’t-ibang kadahilanan kabilang na ang mga pagsubok dulot ng pandemya.

Samantala, napapanood naman si Angel sa Iba ‘Yan tuwing linggo, 6:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC at A2Z Channel 11.