• Home
  • Fresh Scoops
  • Unti-unting bumabangon ang iba’t-ibang bituin sa kanilang munting negosyo na hinagupit ng COVID-19 lockdown.

Jan Marini, ramdam ang epekto ng COVID-19 sa negosyo

Unti-unting bumabangon ang iba’t-ibang bituin sa kanilang munting negosyo na hinagupit ng COVID-19 lockdown.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/24/2020 09:15 PM
Jan Marini, ramdam ang epekto ng COVID-19 sa negosyo

Sa kabila ng problema dala ng COVID-19, kapit bisig ang iba’t ibang personalidad sa pagbangon sa unang leg ng Kaasenso Star Christmas Bazaar 2020 sa UP Town mall sa Quezon City.

Kasama sina Ara Mina, Lester Llansang, Pia Magalona, Via Antonio, Jan Marini, Nene Tamayo, at iba pang personalidad, kani-kaniyang pakulo sa kanilang bazaar stand ang mga stars para i-showcase ang kanilang mga negosyo na kanilang nakagawiang gawin tuwing sasapit ang kapaskuhan.


In an interview kay Jan Marini na isa sa mga exhibitor ng Star Bazaar, tulad ng marami, ramdam niya ang malaking impact sa negosyo ng COVID-19.

“It’s much different kasi siyempre, we have this (mask and shield) limited ‘yung tao, walang mga bata. So ‘yun ang kakaiba sa malls ngayon talagang walang tao,” tugon ni Jan sa panayam.

At kahit na may bumuhos ang pagsubok nitong 2020, nanatiling determinado si Jan sa pagsali sa mga bazaar.

“Kasi I believe in entrepreneurship. Being an entrepreneur, does not only mean giving you additional income, ano siya e, may gumugulong. So may natutulungan ka, may mga suppliers ka nanatutulungan. Ako rin ‘yung household ko, natutulungan ko,” aniya pa.

At bilang negosyante na kumikita, ibang saya rin para kay Jan ang pagsali sa nga Christmas bazaar at trade fair tulad ng kaniyang gingawa ngayon.

“May fulfillment ka to sell your products, tapos mayroon rin akong mga partners na suppliers ko rin so nagkakatulungan kami and masaya,” pahayag pa ni Jan.Simula ngayong December 24, biyaheng Market Market sa Taguig City naman ang team at same set of st

ars ng Kaasenso Star Bazaar na tatagal hanggang December 26.