• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang mami-miss nina Janno Gibbs, Jerald Napoles, Dennis Padilla, at Andrew E ngayong Pasko?

Paano isi-celebrate nina Janno Gibbs, Jerald Napoles, Dennis Padilla, at Andrew E ang Pasko ngayong pandemic?

Ano ang mami-miss nina Janno Gibbs, Jerald Napoles, Dennis Padilla, at Andrew E ngayong Pasko?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/23/2020 11:18 AM
Paano isi-celebrate nina Janno Gibbs, Jerald Napoles, Dennis Padilla, at Andrew E ang Pasko ngayong pandemic?
Photo Credit: @andrewe_dongalo Instagram

Tuloy na tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Pasko para  sa cast ng Pakboys: Takusa na sina Andrew E., Janno Gibbs, Jerald Napoles, at Dennis Padilla sa kabila ng pandemya at mga nagdaang kalamidad sa bansa. Pero paano ba nila ise-celebrate ang Pasko ngayong 2020? Ano ang mami-miss nilang gawin na palagi nilang ginagawa taun-taon?

Ngayong Pasko, balak ni Jerald na mag-rent ng isang resort para makasama ang pamilya.

“Since nasa community quarantine pa rin tayo, but there are other places that’s near Manila na may resort na you can rent as long as you have all the papers and requirements.


“And since small family lang naman kami, we going to rent a place just to unwind, makalabas kasi ang tagal ng hindi lumalabas, so ayun po,” kuwento ni Jerald.

READ: Jerald Napoles, hindi ine-expect na makakatrabaho ang tatlong comedy icons na sina Janno Gibbs, Andrew E, at Dennis Padilla

Sa bahay naman magsi-celebrate ng Pasko si Janno kasama ang kanyang pamilya.

“We are a small family, so wala namang nagbago sa celebration namin—still a simple celebration at home. Sa bahay namin pumupunta ang mommy at daddy ko, plus my sister. Ganyan lang kami,” sabi naman ni Janno.

Si Dennis kahit nasa bahay ngayong Pasko ay ipa-practice pa rin daw ang health protocols.

“Simple rin lang kami ngayong Christmas, sa bahay lang. Kung may bisita man baka bilang na bilang kasi nga lahat tayo’y nag-iingat. Ang maganda lang dapat maging maingat, yung health protocols sundin kahit nasa loob ka ng bahay lalo na kung may bisita ka kahit kamag-anak pa natin. Sundin pa rin natin yung health protocols para magkaroon tayo ng masaya pero healthy na Christmas,” lahad ng comedy actor.

Magiging kakaiba naman ang Christmas ngayon ni Andrew E at ng kanyang pamilya dahil hindi sila magpa-Pasko sa Japan na ginagawa nila taun-taon.

Ani Andrew E, “For us naman, for me and my family things don’t change. The only thing that will change is the way to celebrate it. Kung palagi kaming nasa Japan every Christmas day, ngayon Philippines lang muna, but you know things won’t change, magkakasama pa rin kami.”

Aminado si Janno na mami-miss niya ngayong Pasko at Bagong Taon ang magpunta ng simbahan.

“Nakaka-miss yung church, Christmas, New Year,” sey niya.

Sabi naman ni Jerald, “Ang mami-miss ko ngayong Christmas usually kasi before December 24, before Noche Buena, Christmas parties yan, eh. Nakaka-miss yung live Christmas parties lalo na yung grupo mo talaga, ngayon wala.”

Ang pagyakap naman sa kapamilya at mga kaibigan ang mam-miss ni Dennis this Christmas.

“Ang mami-miss nating lahat, tayo as a human being, pag Pasko yayakap ka, eh, hindi mo lang kakamayan, niyayakap mo, eh. Ngayon hindi eh,” wika niya.

READ: Dennis Padilla denies disrespecting LGBTQ as his daughter is married to a woman

Snow naman ayon kay Andrew E ang mami-miss ng kanyang pamilya ngayong taon.

“Ang nakaka-miss ay yung the way to celebrate, yon lang yung pinaka-difference. Madalas kami pag Pasko may snow sa Japan, mga ganung klase,” sambit niya.

“Actually, ang mami-miss ko ngayong Christmas ay… first time kong maging one of the lead sa MMFF movie so ang mami-miss ko ay yung parade. Mami-miss ko yung parade but nonetheless, okey lang. I mean, mapanood n’yo lang yung movie namin okey na yon lalo na yung nasa abroad,” saad naman ni Jerald kung ano ang kanyang mami-miss this Yuletide season.