Sa kalagitnaan ng patuloy na pinag-uusapang madugong pagpaslang ng isang pulis sa isang mag-ina sa Tarlac, nanawagan ang aktres na si Angel Locsin para sa reporma sa Philippine National Police (PNP).
Sa isang tweet, ibinahagi ni Angel ang video ng isang bata na kalahok sa It’s Showtime kung saan inilarawan nito ang mga pulis bilang mga taong umano’y “nambabaril lang.”
Angel Locsin on why she tirelessly helps others: ‘Bilang Pilipino, ginagawa ko lang ang parte ko’
Ang nasabing video ay unang napanood ng 2018 bilang bahagi ng segment na “Mini Me” ng long-running noontime show.
Ani Angel, hindi dapat umanong patunayan ng kapulisan ang kanilang imahe na dapat ay nagpoprotekta sa mga taong sibilyan.
“Eto ang dapat ingatan ng ating kapulisan na ang ‘nambabaril’ ay hindi dapat maging imahe ng mga magbibigay proteksyon at serbisyo sa sibilyan,” ani Angel.
‘Huge honor’: Angel Locsin receives FPJ Memorial Award at 2020 FAMAS Awards
Pagpapatuloy pa niya, kailangan na umano ng pagbabago dahil takot ang nananaig ngayon sa mga tao.
“Takot na po ang mga tao. Nirerespeto ko po ang mga mabubuting pulis at ayokong mawalan ng tiwala ang mga tao. Kailangan po ng pagbabago,” dagdag pa ni Angel.
Eto ang dapat ingatan ng ating kapulisan na ang “nambabaril” ay hindi dapat maging imahe ng mga magbibigay proteksyon at serbisyo sa sibilyan. Takot na po ang mga tao. Nirerespeto ko po ang mga mabubuting pulis at ayokong mawalan ng tiwala ang mga tao. Kailangan po ng pagbabago https://t.co/iSOkrYqCZJ
— Angel Locsin (@143redangel) December 22, 2020
Hindi naman ito ang unang beses na nagbigay ng reaksiyon si Angel sa nasabing isyu.
Matatandaang sinabi ni Angel kamakailan na ang tungkulin ng mga pulis ay magsilbi sa mga tao.
Good cops should condemn bad cops.
— Angel Locsin (@143redangel) December 21, 2020
Remember the motto, #ToProtectAndToServe
Isa lamang si Angel sa mga taong naging bokal tungkol sa usapin ng magkasunod na pagpaslang sa nasabing mag-inang sina Sonya at Frank Anthony Gregorio.
Samantala, kinasuhan naman ng double murder si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca.