Nagwagi ng higit sa 40 na parangal, kabilang ang Best TV Station, ang ABS-CBN sa nagdaang 18th Gawad Tanglaw para sa hinatid nitong serbisyo sa Pilipino sa pamamagitan ng balita, impormasyon, at libangan.
Nanguna para sa mga nanalo mula sa ABS-CBN ang pangulo at chief executive officer nito na si Carlo Katigbak, na pinarangalan ng Gawad Natatanging Filipino sa Pamamahalang Broadcast Media (Telebisyon at Radyo). Tumanggap din si Angel Locsin ng Gawad Tanglaw para sa Sining ng Sangkatauhan habang Gawad Natatanging Kabataang Filipino para sa Sining at Kultura naman ang ibinigay sa kapwa niya Kapamilya star na si Enchong Dee.
Maraming nagawagi mula sa ABS-CBN Integrated News kabilang ang “TV Patrol” (kasama ang “TV Patrol Weekend”) bilang Best News Program, "Heroes in the Hot Zone" (Best TV Documentary), “Beyond Politics” (Best Public Affairs Show), “Sports U” (Best Sports Program), at “Game Time” (Best Sports Program).
Pinarangalan din si Christian Esguerra ng ANC bilang Best News Presenter at Jury Awardee for Excellence in Broadcasting for Television kasama ang dating anchor ng “Market Edge” and “The Boss” na si Cathy Yang at “Headstart” anchor na si Karen Davila.
Tumanggap naman ng Jury Award for Excellence in Philippine Media Reportage ang mga beteranong mamamahayag ng ABS-CBN News na sina Alvin Elchico, Doris Bigornia, at Jorge Cariño habang kapwa Best Sports Program host sina Dyan Castillejo (Sports U) at Migs Bustos (Game Time), at kapwa Best Talk Show Host naman si Martin Nievera (LSS: The Martin Nievera Show) at Boy Abunda (Tonight With Boy Abunda).
Panalo rin ang DZMM Radyo Patrol 630 na tinanghal na Best AM Station habang binigyan ng Gawad Dr. Debbie F. Dianco Para Sa Sining ng Komunikasyon sina “Pasada sa TeleRadyo” anchor Peter Musngi at dating “Failon Ngayon” anchor Ted Failon.
Para naman sa entertainment, panalo ang "ASAP Natin 'To" bilang Best Variety Show, samantalang Best Drama Series ang "Pamilya Ko" at Best Drama Anthology ang “MMK.” Ginawaran rin si Irma Adlawan ng Best Actress in a Single Performance sa kanyang pagganap sa "Maalaala Mo Kaya," habang pare-parehong tinanghal na Best Actress in a Drama Series sina Maricel Soriano, Janice De Belen, Eula Valdez, at Angel Locsin para sa “The General’s Daughter.” Kinilala rin ang kanilang co-star na si Arjo Atayde bilang Best Actor in a Drama Series.
Tatlong tropeo rin ang nakuha ng Metro Channel pagkatapos tanghaling Best Travel Show ang "Pia's Postcards," Best Travel Show Host si dating Miss Universe Pia Wurtzbach, at Jury Awardee for Excellence in Culinary Arts in Philippine Television ang “Casa Daza.” Wagi ring Best Lifestyle Show ang “Cityscape” ng ANC, habang Best Lifestyle Show Host si Marie Lozano. Ginawaran naman ng Jury Award for Culture and Arts in Philippine Television ang programang “Dayaw” sa ANC.
Binigyan din ng Gawad Parangal para sa Sining ng Edukasyong Pangtelebisyon at Kalikasan si Gina Lopez para sa kanyang mahalagang papel sa pagsagawa ng mga programa tulad ng "Hiraya Manawari," "Sineskwela," "MathTinik," "G Diaries," at maging ng Knowledge Channel.
Patuloy naman sa paghakot ng panalo ang "Hello, Love, Goodbye" ng Star Cinema dahil wagi ang mga bida nitong si Kathryn Bernardo at Alden Richards ng Jury Award for Film Acting, habang ang co-star nilang si Joross Gamboa ay hinirang na Best Supporting Actor. Ginawaran din ng Jury Award for Film Acting si Carlo Aquino para sa pelikula ng Black Sheep na "Isa Pa With Feelings."
Ang Gawad Tanglaw, o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw, ay binubuo ng mga kritikong pampelikula, iskolar, mga mananalaysay, at iilang miyembro ng akademiya. Layunin nilang bigyang pagkilala ang mga natatanging programa at personalidad sa pelikula at telebisyon. Ipinalabas ng Gawad Tanglaw awarding ceremony noong Linggo (Disyembre 20) kanilang Facebook page (www.facebook.com/Gawad-
Ang kumpletong listahan ng mga nanalo:
Best TV Station
ABS-CBN
Gawad Natatanging Filipino sa Pamamahalang Broadcast Media (Telebisyon at Radyo)
Carlo Katigbak, PRESIDENT AND CEO, ABS-CBN
Best News Program
TV Patrol
Best TV Documentary
Heroes in the Hot Zone
Best News Presenter
Christian Esguerra, Matters of Fact
Best Public Affairs
Beyond Politics
Jury Award for Excellence in Philippine Media Reportage
Doris Bigornia
Jury Award for Excellence in Philippine Media Reportage
Alvin Elchico
Jury Award for Excellence in Philippine Media Reportage
Jorge Carino
Best Sports Program Host
Dyan Castillejo
Best Sports Program Host
Migs Bustos
Best Sports Program
Game Time
Best Sports Program
Sports U
Best Lifestyle Show
Cityscape (ANC)
Best Travel Host
Marie Lozano
Jury Award for Culture and Arts in Philippine Television
Dayaw
Jury Award for Excellence in Broadcasting for Television
Cathy Yang (Market Edge, The Boss)
Jury Award for Excellence in Broadcasting for Television
Karen Davila (Headstart)
Jury Award for Excellence in Broadcasting for Television
Christian Esguerra (Matters of Fact)
Best Talk Show Host
Martin Nievera
Best AM Radio Station
DZMM
GAWAD DR. DEBBIE F. DIANCO PARA SA SINING NG KOMUNIKASYON
Peter Musngi
GAWAD DR. DEBBIE F. DIANCO PARA SA SINING NG KOMUNIKASYON
Ted Failon
Gawad Parangal para sa Sining ng Edukasyong Pangtelebisyon at Kalikasan
Gina Lopez (Sineskwela, Hiraya Manawari, Mathinik, G Diaries, Knowledge Channel)
Best Travel Show
Pia’s Postcards
Best Travel Show Host
Pia Wurtzbach
Jury Award for Excellence in Culinary Arts in Philippine Television
Casa Daza, (Metro Channel)
Jury Award for Film Acting
Kathryn Bernardo (Hello, Love, Goodbye)
Jury Award for Film Acting
Carlo Aquino (Isa Pa With Feelings)
Best Supporting Actor
Joross Gamboa (Hello, Love, Goodbye)
Gawad Natatanging Kabataang Filipino para sa Sining at Kultura
Enchong Dee (DLSU, ABS-CBN)
Gawad Tanglaw para sa Sining ng Sangkatauhan
Angel Locsin
Best Variety Show
ASAP Natin ‘To
Best Drama Anthology
MMK
Best Drama Series
Pamilya Ko
Best Actor in a Drama Series
Arjo Atayde (The General's Daughter)
Best Actress in a Drama Series
Maricel Soriano (The General's Daughter)
Best Actress in a Drama Series
Janice De Belen (The General's Daughter)
Best Actress in a Drama Series
Eula Valdez (The General's Daughter)
Best Actress in a Drama Series
Angel Locsin (The General's Daughter)
Best Actress in a Single Performance
Irma Adlawan (MMK)
Best Talk Show Host
Boy Abunda