• Home
  • Fresh Scoops
  • Balik nanay role si Sylvia Sanchez sa kurot sa pusong family drama movie na ‘Coming Home.’

Sylvia Sanchez, mangungurot ng puso sa 2020 MMFF entry

Balik nanay role si Sylvia Sanchez sa kurot sa pusong family drama movie na ‘Coming Home.’

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/21/2020 08:57 AM
Sylvia Sanchez, mangungurot ng puso sa 2020 MMFF entry
Screenshot from Coming Home Official Trailer

Masayang ibinida ng aktres na si Sylvia Sanchez ang pelikulang Coming Home na isa sa mga pelikulang kalahok sa 2020 Metro Manila Film Festival.

Under the direction of Adolf Alix Jr., kakaibang nanay role ang gagampanan ni Sylvia sa family drama movie kasama sina Martin Del Rosario, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Shaira Diaz, Julian Estrada, Ariella Arida, at Jinggoy Estrada.

Kuwento ni Sylvia na tumatak sa mga markadong nanay role sa telebisyon,  relate na relate siya ngayon sa kuwento ng Coming Home dahil sa tagos sa pusong istorya nito.


 

 

“Siyempre, ito na naman ako, nanay na naman ako ng isang pamilya. Ito maganda ‘to para sa akin. Sinasabi ko nga sa lahat ng mga tao. Lalo na sa friends ko and family ko na alam kong broken family. Alam mo ‘yun? Produkto ng broken family. Manood kayo,” tugon ng aktres sa panayam ng Cinema News.

Ayon pa kay Sylvia, tiyak na relate din ang mga makakapanood ng pelikula na produkto ng broken family dahil sa tunay na buhay na timpla ng pekikula.

“Ito ‘yung sagot sa mga katanungan mo bilang isa sa may ganitong problema kasi ang ganda ganda ng movie na ‘to I mean napanood ko na ‘to nakita ko na ‘to kabuuan at ibang klase ang movie na ito kasi hindi lang ito istorya ng pamilya lang na masaya, andito ‘yung betrayal, andito,” pagmamalaking kuwento ni Sylvia.

Patikim pa na kuwento ng aktres. “Di ba pag broken family andito ‘yung tatay, wala na ‘yung nanay, wala na hindi na magkababalikan? Dito kasi bumalik, Coming Home kasi bumalik and may bumalik andito ang istorya ng tatanggapin ba? Or hindi ? Andito ‘yung struggle ng bawat anak na mayroon galit, mayroong nakapag patawad pero mas excited ako kasi andaming aral na mapupulot sa pekikulang ‘to,” pahayag pa niya.

Mapapanood ang Coming Home sa December 25 sa pamamagitan ng digital streaming na Upstream na partner ng MMFF sa pagpapalabas ng mga pelikula ngayong new normal set up.