• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit nga ba nadawit ang pangalan ni Pops Fernandez sa hiwalayan nina Andrea Torres at Derek Ramsay?

Pops Fernandez on rumored relationship with Derek Ramsay: ‘It’s absolutely not true!’

Bakit nga ba nadawit ang pangalan ni Pops Fernandez sa hiwalayan nina Andrea Torres at Derek Ramsay?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/20/2020 01:59 PM
Pops Fernandez on rumored relationship with Derek Ramsay: ‘It’s absolutely not true!’
Photo credit: @popsfernandezofficial IG (left)

Ayon kay Concert Queen Pops Fernandez, wala siyang kinalaman sa hiwalayang Derek Ramsay at Andrea Torres na nangyari nitong November, 2020.

“It's absolutely not true! I just don't wanna talk about it because I felt... Derek and Andrea are not really talking about it. Ang weird naman na ako yung magsasasalita, right?” pagtanggi ni Pops at paglilinaw sa isyu.

 


 

Nadawit ang pangalan ni Pops dahil sa simpleng birthday greetings nito sa ina ni Derek na isinend niya sa comment section ng Instagram  account ng aktor noong November 19.

Hindi rin alam ni Pops kung saan nagsimula ang isyu na mabilis na kumalat sa social media.

Paliwanag niya, “Hindi po siya totoo. How it started? Hindi ko rin po alam. Basta all of a sudden, ang dami-dami na lang lumabas at hindi ko alam na ang dami-dami na palang usap-usapan.

“As a matter of fact, ang dami-dami ko pang nakukuhang messages from some of my friends in the US and in Europe. Tinatanong nga po nila kung totoo. Hindi po totoo. How it started again? I don't know.”

“But unfortunately, ang masakit non is ang dali palang maniwala ng mga tao ngayon. I mean, once it's posted, I think on YouTube, sunod-sunod na. Parang nobody really bothered to find out the truth about it so, hindi po totoo,” patuloy niyang pahayag.

Nilinaw din ng aktres na kung nakikita man silang magkasama ni Derek ay dahil iisa sila ng manager – si Jojie Dingcong – at may kaugnayan daw ito sa trabaho.

 

 

“We never really... I can count the times that I have seen Derek and during those times we were also with Andrea. And after that, hindi na po. We don't talk to each other. We don’t really text each other,” giit pa niya.

Marahil daw kaya sila ginawang item ni Derek ay dahil malapit siya sa nanay ng aktor.

“Siguro…  kasi nagkikita kami ng mommy ni Derek. But for another reason and another purpose. Other than that, not at all,” muling paglilinaw ng ex-wife ni Martin Nievera.