PANOORIN: Philmar Alipayo, nag-propose na kay Andi Eigenmann

Magiging ganap na Mrs. Alipayo na si Andi Eigenmann.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/20/2020 08:29 PM
PANOORIN: Philmar Alipayo, nag-propose na kay Andi Eigenmann
Photo Credit: @andieigengirl on IG

Engaged na ang aktres na si Andi Eigenmann sa longtime partner nito na si Philmar Alipayo. 

Sa isang vlog sa YouTube channel nilang Happy Islanders, ibinahagi nina Andi at Philmar ang video kuha mula sa mismong sandali kung saan naganap ang proposal ng kilalang surfing champion sa aktres. 

WATCH: Andi Eigenmann explains why it took Philmar Alipayo six months to fly to Manila


Sa nasabing video, makikitang nakaupo sa isang veranda ang dalawa nang bigla umanong magkwento si Philmar tungkol sa mga masasaya nilang alaala bilang mag-asawa at pamilya.

Ani Andi, hindi niya ito inasahan kay Philmar lalo pa’t hindi umano ito ang tipo na nagkekwento tungkol sa mga ganoong bagay.

I’ve been wanting to spend time with you for a while,” saad ni Philmar. 

Nang mapunta umano ang usapang tungkol sa kung gaano kagusto ni Philmar na makasama siya habang buhay, hindi umano napigilan ni Andi na tumulo ang kanyang mga luha.

Gamit ang lenggwahe sa Siargao, tinanong ni Philmar si Andi ng: “From my whole heart, I am asking you if you will marry me.” 

 

Panoorin ang vlog nina Andi at Philmar sa ibaba: 

Sa isang Instagram post, nag-iwan ng mahabang mensahe si Andi tungkol sa engagement niya. 

Aniya: “I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been okay regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepoxz!” 

 

 

Naganap ang engagement nina Philmar at Andi sa holiday getaway ng kanilang pamilya sa Anilao, Batangas. 

Kasalukuyang nagdadalang-tao si Andi sa pangalawang anak nila ni Philmar. Mahigit isang taon na nang isilang ni Andi ang unang anak nito kay Philmar na si Lilo. 

Read: Andi Eigenmann reveals gender of third baby via DIY reveal party

Ang panganay na anak ni Andi na si Ellie ay anak nito sa dati niyang partner na si Jake Ejercito.