• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakiusap ang direktor na si Mae Cruz Alviar na tigilan ang pamimirata ng pelikula. Aniya, “Nakakaiyak, nakakagalit na nangyayari 'yun so sana tigilan natin.”

Direk Mae Cruz Alviar, nakiusap na ’wag piratahin ang ‘Four Sisters Before The Wedding’

Nakiusap ang direktor na si Mae Cruz Alviar na tigilan ang pamimirata ng pelikula. Aniya, “Nakakaiyak, nakakagalit na nangyayari 'yun so sana tigilan natin.”

BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

12/20/2020 03:05 PM
Direk Mae Cruz Alviar, nakiusap na ’wag piratahin ang ‘Four Sisters Before The Wedding’
Photo credit: @gillianvicencio Instagram

Isa si Direk Mae Cruz-Alviar sa mga nagpasalamat sa mga nanood na ng Star Cinema film na Four Sisters Before The Wedding sa virtual girl talk na ginanap noong Miyerkules, December 16. Dito ay nakiusap din ang direktor na panoorin ito sa legal na paraan - through KTX.ph, iWant TFC, Sky Cable Pay Per View, TFC IPTV, Cignal Pay Per View o sa ilang sinehan. 

Sa kanyang parting words sa virtual talk, sinabi ni Direk Mae, "Again, sabihin ko lang na blood, sweat and tears ito. Tinaya namin ang buhay namin to be there. We risked it all to come up with a movie for you, for the company, of course, and for you, for the audience. Kaya sana 'yung pakiusap namin na lagi kong sinasabi na parang 'yung mga pirata, 'wag niyong gawin 'yun, pero nakikiusap talaga ako, buhay namin ang tinaya namin to make this film."


"Itong film na 'to kabuhayan ito ng mga tao. Kabuhayan ito ng mga gumagawa ng pelikula hindi lang para sa ABS-CBN pero sa industriya namin. 'Pag naging kagawian ninyo ang pamimirata, anong klaseng future ang meron tayo? I know I'm sounding so serious pero anyway, gano'n talaga 'yung nararamdaman ko. Nakakaiyak, nakakagalit na nangyayari 'yun so sana tigilan natin. Lalo mga bata pa 'yung nakikita kong ibang namimirata," dagdag pa niya. 

Kaya naman pakiusap ng direktor, "So please let's stop doing that... Let's support the industry, let's support the company." 

"And buong puso naming ginawa ito and it's worth your P150 I assure you. So sa lahat ng manonood pa lang, think of all the people behind that film na gumawa nito. So ayun, thank you again everyone for watching it at thank you dun sa manonood pa. And, thank you for all your comments, thank you for the appreciation," aniya. 

Ang Four Sisters Before The Wedding ay ang prequel sa highly successful film na Four Sisters and a Wedding na orihinal na pinagbidahan nina Toni Gonzaga, Angel Locsin, Bea Alonzo, at Shaina Magdayao. Sa prequel naman ay bumida ang kanilang mga younger versions na ginampanan nina Charlie Dizon, Gillian Vicencio, Alexa Ilacad, at Belle Mariano. Ito ay idinirek ni Mae Cruz-Alviar.