• Home
  • Fresh Scoops
  • Anthony Taberna said that he recently found out that the person whom he trusted the most stole money from his business. 

Anthony Taberna to file a lawsuit against the person who stole millions from his company

Anthony Taberna said that he recently found out that the person whom he trusted the most stole money from his business. 

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/20/2020 11:13 AM
Anthony Taberna to file a lawsuit against the person who stole millions from his company
Photo credit: @iamtunying28 Instagram

Anthony Taberna will be filing a lawsuit against the person who stole money from his company. 

In an Instagram post, Anthony remarked that this year has been very hard for them. From the sickness of his daughter to the shutdown of his home network ABS-CBN, Anthony said that 2020 has been very tough. But he could not believe that he would face another problem before the year ended, this time with his restaurant business called Ka Tunying’s.

“2020: 16 days ka na lang!!! Pinakamabigat na dinaanan namin sa taong ito ay ang karamdaman ni Zoey. Habang pinapasan namin ito ay pumutok ang Bulkang Taal at dumating ang pandemya na humampas nang husto sa Ka Tunying’s at sa mga umaasa rito. Nakakatindig naman kahit paano dahil sumusuweldo pa ako noon sa ABS-CBN pero nadale naman nang hindi maaprubahan ang franchise sa Kongreso. Pero okay pa rin. Pagsubok lang yan. Ngiti pa rin. Nakatindig pa rin. Tapang-tapangan, lakas-lakasan. Pero di ko akalain na bago matapos ang 2020, may humahabol pa!” he said. 


He recently discovered that the person whom he trusted the most stole money from the business. 

Nadiskubre namin na ang taong aking pinagtiwalaan, ako pala ay matagal nang pinagnanakawan! Ang pera ng kumpanya, namadyik niya at naidirecho sa sarili niyang bank account. Hindi maliit na halaga, milyong piso na mula sa paghihirap ng mga empleyado ng Ka Tunying’s—tama po, habang nagtitiis sa hirap ng pagtatrabaho ang mga panadero, kusinero, serbidor at serbidora, driver, janitor at iba pa, siya naman pala ay nagpapakaligaya sa perang hindi naman sa kaniya. At ang lalong masakit at karima-rimarim, noon mismong ikinuwento ko sa kaniya ang hirap ng kalooban at bulsa dahil sa aming pinagdadaanan gawa ng natuklasang karamdaman ni Zoey, wala pa ring puknat ang pagnanakaw niya sa pera ng kumpanya,” he said.

Anthony said that he will be suing not only the person who stole money from him but also the bank and the other people involved. 

Kakasuhan namin ang taong ito pero hindi ako papayag na di mananagot ang bangko at pati na ang kaniyang mga kasapakat. Naghahanap kami ngayon ng KATARUNGAN. Tulad ng unti-unting paggaling ni Zoey, tiwala rin kami na makakabawi at hindi babagsak ang kumpanya. Oo nga at nahihirapan kaming lahat ngayon sa Ka Tunying’s pero hindi kami basta susuko,” he said. 

Amid the difficulties, Anthony said that he will keep on striving to sustain Ka Tunying’s. 

Malakas ang loob namin dahil may mga taong tumatangkilik at nagmamahal sa amin at sa Ka Tunying’s. Hindi ko tatalikuran ang maraming umaasa rito na mga empleyado at kanilang pamilya. Pagsasama-samahin namin ang lakas namin at ang pagtangkilik ng publiko taglay ang inspirasyon ni Zoey sa amin. Higit sa lahat, sasandal ang aming tiwala sa Panginoong Diyos at manghahawak sa pangako na hindi Niya tayo pababayaan,” he stated.