TINGNAN: Ina Feleo, kasal na sa Italyanong fiancé

Nahanap na Ina Feleo ang kanyang forever.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/02/2020 05:27 PM
TINGNAN: Ina Feleo, kasal na sa Italyanong fiancé
Photo credit: @bodiecruz IG

Kasal na ang aktres na si Ina Felo sa kanyang Italyanong fiancé na si Giacomo Gervasutti.

Ibinahagi ni Ina sa Instagram ang mga litrato mula sa kanyang kasal na naganap sa Pinto Art Museum sa Antipolo. 

Mismong ang batikang direktor at aktres na si Laurice Guillen ang naghatid kay Ina sa altar. 


Present ang ilan sa mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ni Ina sa industriya kabilang na ang dating Pinoy Big Brother housemate at anak ni Tirso Cruz na si Bodie at anak na direktor na si Bobot Mortiz na si Camille.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bodie Cruz (@bodiecruz)

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo)

 

Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Ina nang ma-engage sa noong Hulyo nang nakaraang taon, ikinuwento ng aktres kung gaano kalaki ang kanyang pasasalamat na nahanap niya ang taong para sa kanya. 

"In the past, when I got to this point of entrusting my 'love life' the next events would lead to a falling out. But now this happened, and I felt so calm about it,” ani Ina. 

Dagdag pa niya: “I never really get into a relationship without thinking that it could lead into a more serious future, but it didn’t happen before and I am just so grateful that this happened now. Love is patient. Love is tested. Love endures.” 

Si Ina ay anak ni Laurice Guillen sa yumaong aktor na si Johnny Delgado. 

Naging bahagi ang 33 anyos na aktres ng iba’t-ibang teleserye sa ABS-CBN gaya ng Noah, Guns and Roses, at Angelito: Batang Ama.