• Home
  • Fresh Scoops
  • Handa na nga ang Kapamilya news personality na maghatid ng lakas ng loob sa mga manonood sa “Karerin Natin ‘Yan!” para makamit ang iba’t ibang kagustuhan—kahit pa tungkol sa career, negosyo, usaping pag-ibig, beauty at fashion pa yan.

“Karerin Natin ‘Yan!” ni Karen Davila, handa nang magpalakas ng loob sa KUMU

Handa na nga ang Kapamilya news personality na maghatid ng lakas ng loob sa mga manonood sa “Karerin Natin ‘Yan!” para makamit ang iba’t ibang kagustuhan—kahit pa tungkol sa career, negosyo, usaping pag-ibig, beauty at fashion pa yan.

BY
ABS-CBN Corp. Comm.

FRESH SCOOPS

12/02/2020 01:10 PM
“Karerin Natin ‘Yan!” ni Karen Davila, handa nang magpalakas ng loob sa KUMU

Dadalhin ng award-winning journalist na si Karen Davila ang mga usaping negosyo, trabaho, at personal na buhay na may hatid na lakas ng loob sa Kumu sa kanyang bagong talk show na “Karerin Natin ‘Yan!” na mapapanood na sa FYE Channel tuwing Huwebes ng umaga.

“Na-realize ko sa panahon ng COVID na maraming tao na gusto nila ng kausap, maraming tao na naghahanap ng advice, ng inspiration at encouragement. Ito na ang opportunity ko na magbigay ng guidance bilang mentor, bilang ate, at bilang kaibigan,” ani Karen.

Handa na nga ang Kapamilya news personality na maghatid ng lakas ng loob sa mga manonood sa “Karerin Natin ‘Yan!” para makamit ang iba’t ibang kagustuhan—kahit pa tungkol sa career, negosyo, usaping pag-ibig, beauty at fashion pa yan.


“It’s the secret to success—kung ang isang bagay ay kakarerin mo. magugulat ka na that if you put 200% focus sa isang bagay ay you will succeed,” paglalahad ni Karen sa premiere episode ng programa noong Nobyembre 26.

Aniya, “Hindi ito tungkol sa paggawa ng maraming bagay kungdi paghahanap ng inyong passion at pagcommit ng 100% o 200% ng inyong pag-iisip, puso, katawan, at kaluluwa para makamit ang isang bagay.”

Ang “Karerin Natin ’Yan!” ang pinakabagong show na inilunsad ng FYE Channel, ang kwelang handog ng ABS-CBN sa Kumu kung saan tampok ang games, comedy shows, at masasayang kwentuhan tungkol sa local culture, lifestyle, at entertainment.

Abangan ang mga usapang magpapalakas ng loob sa “Karerin Natin ‘Yan!” tuwing Huwebes ng 10:30 am. Mag-download na ng Kumu app at sundan ang @fyechannel dito.