• Home
  • Fresh Scoops
  • Marlo Mortel says he wants to respect his friendship with Janella Salvador.

EXCLUSIVE: Marlo Mortel on Janella Salvador: ‘I just wish that she is genuinely happy’

Marlo Mortel says he wants to respect his friendship with Janella Salvador.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/19/2020 03:49 PM
EXCLUSIVE: Marlo Mortel on Janella Salvador: ‘I just wish that she is genuinely happy’
Photo credit: @marlomortelmusic and @superjanella Instagram

Kahit anong pilit namin noon kay Marlo Mortel na magbigay ng reaksyon tungkol sa present situation ng kaibigan niyang si Janella Salvador ay hindi niya ginawa. Ayon sa binata, umiiwas talaga siyang sagutin ang mga tanong namin sa Messenger dahil ayaw na niyang makisawsaw pa sa isyu.

Matatandaang mainit na pinag-usapan nitong mga nakaraang buwan ang tungkol sa diumano’y pagbubuntis ni Janella. Nasundan pa ito ng balita na nanganak na ang aktres at ang ama ay ang boyfriend nitong si Markus Paterson.

“Ayaw ko nang makagulo pa at sumawsaw pa sa isyu kaya iniiwasan talaga kitang sagutin. May iba ring nagtatanong sa akin pero mas pinili kong manahimik,” paliwanag sa amin ni Marlo.


Naging dating magka-love team sina Marlo at Janella (Marnella). Una silang nagkasama sa morning series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart na nasundan pa ng Oh My G! Nakagawa rin ng Metro Manila Film Festival movie ang dalawa sa Regal Entertainment – ang Haunted Mansion.

Sa exclusive interview namin kay Marlo sa physical presscon ng Suarez: The Healing Priest kung saan ginagampanan niya ang role ng isang news reporter ay hindi na niya naiwasang magbigay ng pahayag.

Aniya, “I don’t want to comment pagdating sa personal life niya. Kasi pag sinasabi kong close kami hindi ako nagdyo-joke, close talaga kami ni Janella. Kaya whatever she does with her life or whatever she wants to do I think kanya na yon, out ako don.

“I mean, if ever ayun nga, may napapagkwentuhan kami or deep talks ganyan, I want the respect to be the center of our friendship, in our conversation. May personal life siya so I want to value that and ganun din siya sa akin,” dagdag niyang paliwanag.

Kung anuman daw ang estado ng buhay ngayon ni Janella ay masaya siya para dito.

“Basta happy ako para sa kanya. Basta kung ano yung desisyon niya, I know…  I know her too well na  she’s an independent woman talaga, eh, when it comes to her decisions,” lahad niya.

Bilang respeto ay hindi na rin daw niya tinanong ang aktres.

“Hindi talaga, kasi ayokong makisawsaw lalo na sa mga ganitong… alam mo yung pinag-iinitan, napag-iinitan siya ng mga tao. Gusto ko siyang bigyan ng space,” sambit pa ni Marlo.

Ano ba ang kanyang wish para sa kaibigan?

“I just wish that she is genuinely happy… yon lang. Kasi she deserves to be. Lagi ko rin namang sinasabi sa kanya na basta pag kailangan niya ako nandito lang ako,” mensahe niya sa dating ka-love team.

“And I believe that deserve niya lahat ang mga blessings na napupunta sa kanya. And we’re not perfect, nobody is perfect, di ba ako din naman hindi ako perfect. Importante ang family and friends and I’m happy na isa ako sa mga totoong kaibigan niya and I’ll be here to support her whatever happens,” pangako niya kay Janella.

Nang tanungin kung willing ba siyang maging ninong ng anak ni Janella ani Marlo, okey lang naman daw.

“Sabi ko nga di ba, kung saan siya masaya, kung ano yung desisyon niya susuportahan ko siya. So kung gusto niya yon, susuportahan ko siya, why not?” natatawang reaksyon ng singer-actor.

Mapapanood si Marlo sa Suarez: The Healing Priest simula December 25, sa Upstream.ph. Ang pelikula na pinagbibidahan ni John Arcilla mula sa direksyon ni Joven Tan ay official entry ng Saranggola Media Productions sa 2020 MMFF.