• Home
  • Fresh Scoops
  • Watch the 2020 Metro Manila Film Festival entries in the comforts of your own home.

Director Erik Matti and Dondon Monteverde explain 2020 Metro Manila Film Festival streaming

Watch the 2020 Metro Manila Film Festival entries in the comforts of your own home.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/19/2020 12:14 PM
Director Erik Matti and Dondon Monteverde explain 2020 Metro Manila Film Festival streaming
Photo credit: @erikmatti Instagram and Metro Manila Film Festival

Sa kanilang virtual na pagharap sa media, ipinaliwanag ng heads ng streaming site na Upstream na sina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde ang guidelines kung paano mapapanood ang official entries ng 2020 Metro Manila Film Festival sa streaming site na official partner ng MMFF.

Ayon kay Direk Erik, long term ang nakikita nilang planning sa streaming site at sa pakikipag partner sa MMFF na pinakamalaking festival ng pelikula sa bansa.

“Malaki ang plans para dito at sa MMFF dahil sa new normal ito na ang isa sa magagandang options para mapanood at maipalabas pa rin ang ating mga pelikula on a global basis,” sabi ni Matti.READ: Sa streaming app, kailangan mag-online at magpunta sa streaming site. Dito makikita na ang movie posters ng official entries ng 2020 MMFF. Pumili ng pelikula na gusto panoorin at mayroon limang araw na pwede mapanood. Pero kung nasimulan ng panoorin ang pelikula, kailangan matapos ng viewer ang pelikula within 24 hours.


Hindi rin problema ang payment dahil pwede ang GCash at iba pang cashless transactions para sa no contact at mas mabilis na proseso.

Kuwento ni Monteverde, safe din sa piracy ang mga pelikula at content sa streaming site dahil bago pa man ito ilunsad ay sinuguro na safe ang mga mapapanood dito at di mapipirata. 

Magsisimula mapanood ang 2020 MMFF entries sa Upstream site sa December 25 na mapapanood hindi lang buong Metro Manila kundi sa buong mundo na may capacity mag online.