• Home
  • Fresh Scoops
  • Dinaan na lang ni Nikko Natividad sa biro ang nasabing insidente.

‘Wala po akong Tinder’: Nikko Natividad, biktima ng identity theft sa dating site

Dinaan na lang ni Nikko Natividad sa biro ang nasabing insidente.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/18/2020 08:38 AM
‘Wala po akong Tinder’: Nikko Natividad, biktima ng identity theft sa dating site
Photo Credit: @Hashtag_nikko13 Twitter

Idinaan na lamang sa biro ng TV host at Hashtag member na si Nikko Natividad ang pagkalat ng kanyang mga larawan sa ilang mobile dating application.

Sa Twitter, ibinahagi ni Nikko ang isang screenshot ng kanyang larawan na naka post sa Tinder. 

Kung susuriin kapani paniwala ang Tinder account na ito na nakapangalan mismo sa Kapamilya star dahil verified pa ang nasabing account.


 

 

“KUNG SINU KA MAN HAYUP KA!! AT NAKA VERIFIED KAPA!!” post ni Nikko na sinasabing fake account ang nakikita sa Tinder app.

“Wala po akong Tinder!! Muntik nakong palayasin ni @cielo_0227 sa bahay!! Sisira ka ng pamilya hinayupak ka!! Inuulit ko wala po akong TINDER!! GRINDER po ang gamit ko” pabiro pa niyang pahayag.

Si Nikko ay nakilala sa all male group na hashtags na sumikat sa It’s Showtime isa rin ngayon si Nikko sa mga segment host ng Kapamilya noontime show.