• Home
  • Fresh Scoops
  • August vs. December, Melissa Ricks posts photos showing her weight loss journey.

LOOK: Melissa Ricks makes a big transformation

August vs. December, Melissa Ricks posts photos showing her weight loss journey.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/18/2020 04:42 PM
LOOK: Melissa Ricks makes a big transformation

Ang laki na nang ipinayat ni Melissa Ricks. Kitang-kita ang pagbaba ng kanyang timbang sa ipinost niyang mga larawan sa kanyang Instagram account (@mellyricks09) few days ago na may caption na “August vs December.”

“I never thought I’d lose the weight anymore, till I found something that helped me, along with proper diet and a secret I’ll reveal soon!

“This has been such a huge help (pagtukoy niya sa prosesong kanyang ginagamit) in losing the unwanted weight and also in boosting my immune system. Let’s make incoming 2021 a good and happier, and most of all healthier year!” caption ni Melissa sa Instagram account niya.


Nagpasalamat din si Melissa sa mga taong nakapaligid sa kanya na malaki rin daw ang naitulong para ma-achieve niya ang pagpayat.

Aniya, “Having a group of supportive people around you makes all the difference. With the help of their Pollogen Divine Lift, mas mabilis ang naging effects sa pagde-define ng cheeks, jaw at overall face ko.

“Little by little getting rid of the baby fats and double chin! Also gives lifting and skin tightening! It’s non-invasive, no down time and just nakaka-happy talaga.”

Matatandaang nagsimulang tumaba si Melissa pagkatapos niyang makapanganak at huminto sa pagiging artista.