• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolo Revilla inaming may mga hamon sa isang taong pagsasama nila ng asawang beauty queen.

Jolo Revilla celebrates first wedding anniversary with Angelica Alita

Jolo Revilla inaming may mga hamon sa isang taong pagsasama nila ng asawang beauty queen.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/17/2020 01:24 PM
Jolo Revilla celebrates first wedding anniversary with Angelica Alita
Photo Credit: jolo_revilla on Instagram

Isang taon nang kasal ang actor-politician na si Jolo Revilla at ang former beauty queen na si Angelica Alita. Ginanap ang garden wedding ng dalawa noong December 15, 2019 sa Newport Beach, California sa Amerika.

Ibinahagi ni Jolo sa social media ang kanyang sweet message sa asawang beauty queen para i-celebrate ang kanilang first wedding anniversary. Ipinost din ni Jolo ang photo nakuha nung kanilang kasal sa Amerika

Caption ni Jolo,  “Isang taon na mula ng sumumpa ako sa Diyos na ikaw ang kabiyak na aking pakamamahalin habang ako ay nabubuhay.


“Isang taon na rin mula ng ipagkatiwala mo sa akin ang iyong puso at pagmamahal bilang iyong katipan.”

Ibinahagi din ng aktor na may mga hinarap na hamon ang kanilang pagsasama pero napagtagumpayan daw nila ito.

“Sa loob ng isang taon, may kaunti mang mga hamon, mas nanaig pa rin ang ating pagmamahal at pagtitiwala sa isa't isa. Nalagpasan na natin ang isang taon, may isang habambuhay pa tayong bubunuin ng magkatuwang.

“Habang nakasentro sa Panginoon ang ating pagsasama, mananatiling matibay at matatag ang bigkis natin sa isa't isa. Mahal na mahal kita!” lahad pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla)

Shop at LAZADA’s 12.12 After Party Sale

Samantala, matatandaan na bago naging girlfriend ni Jolo si Angelica ay nakarelasyon din niya ang aktres na si Jodi Sta. Maria. Bago naman nagpakasal si Angelica kay Jolo ay dati siyang Star Magic artist at nanalong first runner-up sa Binibining Pilipinas noong 2016.