• Home
  • Fresh Scoops
  • Sino ang pinatatamaan ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram post?

Claudine Barretto balik-acting sa pelikulang ‘Mamasapano SAF 44’

Sino ang pinatatamaan ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram post?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/16/2020 10:34 AM
Claudine Barretto balik-acting sa pelikulang ‘Mamasapano SAF 44’
Photo Credit: @claubarretto Instagram

Sumabak na ulit sa paggawa ng pelikula ang aktres na si Claudine Barretto nitong Linggo, December 13. sa Pampanga. Balik-acting si Claudine sa pelikulang Mamasapano SAF 44 mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

Sa pelikulang inspired ng true-to-life events ay cameo role lang ang partisipasyon ni Claudine. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Aljur Abrenica, JC de Vera, Edu Manzano, at marami pang iba.

“I will play Erika Babalina, just a cameo role, short lang talaga. Please support our movie,” pahayag ni Claudine.


READ: Claudine Barretto, sumailalim sa hand surgery

Marami naman ang naintriga sa latest post ng aktres sa kanyang Instagram account na may caption na, “Some people aren’t really all that they ‘post’ to be.”

Sinundan pa ito ng isang post na, “PRACTICE WHAT YOU PREACH. Some people kasi use GOD, they live a double life. Yung nagmamalinis.”

 

 

Sino kaya ang pinatatamaan dito ni Claudine?

READ: Claudine Barretto ipinaliwanag bakit di nag-work out ang pagsasama nila ni Raymart Santiago

Shop at LAZADA’s 12.12 After Party Sale

Anyway, huling napanood si Claudine sa Star Cinema movie na Etiquette for Mistresses na idinirek ni Chito Roño noong 2015. Kasama ni Claudine sa pelikula sina Iza Calzado, Kim Chiu, Cheena Crab at Kris Aquino.