• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakipagsabayan si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo kay Rochelle Pangilinan sa isang dance challenge.

Rabiya Mateo, hinamon ng showdown si Rochelle Pangilinan

Nakipagsabayan si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo kay Rochelle Pangilinan sa isang dance challenge.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/15/2020 01:59 PM
Rabiya Mateo, hinamon ng showdown si Rochelle Pangilinan
Photo Credit: @rochellepangilinan Instagram

Sa pambihirang pagkakataon, nakipagsabayan sa sayawan si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo kasama ang former SexBomb lead dancer na si Rochelle Pangilinan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Rochelle ang pakikipagsabayan ng beauty queen sa kanilang version ng “Spaghetti” na pinasikat ng iconic sexbomb dance group.

 


 

“May nag request na sumayaw daw kami si Sexbomb Rabiya!” sabi ni Rochelle sa kanyang Instagram post.

Uploaded sa Tiktok ni Rochelle ang video ng back-to-back sayawan nila ni at Rabiya na kinagigiliwan ngayon lalo na ng fans ng Sexbomb dancers.

Shop at LAZADA’s 12.12 After Party Sale

Ang Sexbomb Girls ang nagpasikat ng mga awitin tulad ng “Spaghetti”, “Bakit Papa”, “Halukay Ube” at “Daisy Siete” na isa sa naging matagumpay na programa noon ng SexBomb Girls.