• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-viral sa social media ang nakakatuwang video ng tinaguriang ‘TikTok King’ na si Gardo Versoza kasama ang aktres na si Ella Cruz.

PANOORIN: TikTok video ni Gardo Versoza at Ella Cruz, viral sa social media

Nag-viral sa social media ang nakakatuwang video ng tinaguriang ‘TikTok King’ na si Gardo Versoza kasama ang aktres na si Ella Cruz.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/15/2020 04:09 PM
PANOORIN: TikTok video ni Gardo Versoza at Ella Cruz, viral sa social media
Photo credit: @vivaartistsagency @ellacruz IG

Nag-viral sa social media ang nakakatuwang video ng tinaguriang "TikTok King" na si Gardo Versoza kasama ang aktres na si Ella Cruz.

Sa nasabing video na inilabas ni Ella sa Instagram, ikinatuwa ng netizens ang paghataw ni Gardo sa kantang "34 + 35" ni Ariana Grande habang nakasuot ng maikling shorts at mataas na takong o  'high-heeled shoes.'

Ilan sa mga naaliw sa makulit dance moves ng aktor ay ang singer na si Yeng Constantino at beauty queen na si MJ Lastimosa.


 

 

READ: Dahil sa TikTok, naiba daw ang pagtingin ng mga tao kay Gardo Versoza.

Bukod sa kantang "34 + 35," nagsayaw din sina Gardo at Ella ng "Shower" ni Becky G na sikat ngayon sa TikTok.

Sa isa pang Instagram post, ibinahagi ni Gardo ang TikTok dance video nila ni Ella kasama ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Ayon kay Gardo, ito ang unang pagkakataon na nakapag-TikTok si Mark Anthony.

Kuha ang mga nabanggit na video sa set ng bagong pelikula nina Gardo, Ella, at Mark.

Ayon sa behind-the-scene photo na ibinahagi ng Viva Artists Agency sa Instagram nitong Linggo, Disyembre 13, kasama ng tatlo sa nasabing proyekto ang aktres at singer na si Via Ortega.

 

 

Napapanood ngayon si Gardo sa digital movie series na The House Arrest of Us na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

READ: Paano nakumbinse ni Gardo Versoza na mag-TikTok si Daniel Padilla?

Samantala, si Ella ay huling napanood sa 2019 Cinemalaya entry na Edward, habang si Mark Anthony ay bumida naman sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na Miracle in Cell No. 7.