Awra Briguela sa muling paninira umano ni Buknoy Glamurrr: ‘I was just trying to educate you’

Muling binanatan ni Awra Briguela si Buknoy Glamurrr.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/15/2020 04:19 PM
Awra Briguela sa muling paninira umano ni Buknoy Glamurrr: ‘I was just trying to educate you’

Agosto nitong taon nang mag-trending sina Awra Briguela at Buknoy Glamurrr dahil sa alitan ng dalawa sa social media. Ngunit tila hindi pa natatapos ang alitan nina Awra at Buknoy na muling sumiklab online. 

Ito ay matapos makarating kay Awra ang isang komento mula kay Buknoy kung saan sinabi nito na sinisira ng komedyanteng Kapamilya star ang kanyang pagkatao. 

Team Awra at Team Buknoy Glamur, bakit nag-trending sa social media?


“Wala akong inaway. Remember, siya po ang naninira ng pagkatao ko,” sagot ni Buknoy sa isang netizen na nagsabing inaway niya si Awra. 

Depensa ni Awra, pinangaralan lamang niya si Buknoy. “Excuse me? Buknoy Glamurrr? I didn’t... I was just trying to educate you, hindi paninira ang pang ccall out It was your actions kaya ikaw sumira sa pagkatao mo,” ani Awra. 

Dagdag pa nito: “And about Feng I don’t really care about you two kasi kayo ang ng gago saakin at alam ng mga tao yan.”

 

 

Paniwala ni Awra, “clout” lamang ang habol ni Buknoy kaya ito muling gumagawa ng ingay sa social media. 

“What is this for? Clout? Y’all can do whatever the f**k you want just don’t drag my name kasi nananhimik na ako. Kaya please tigilan niyo na ko sa ka dugyutan niyo kase nakakasuka na kayo,” 

 

 

Saad pa ni Awra sa isa pang tweet: “The audacity of Buknoy to say ‘remember siya po nanira sa pagkatao ko.’ Excuse me Buknoy? Tao ka ba? Kase parang hindi.”

 

 

Matatandaang nag-ugat ang alitan ng dalawa nang sitahin ng 16 anyos na komedyante si Buknoy dahil sa hindi nito pagsusuot ng face mask at lumabas ito sa pampublikong lugar sa oras ng curfew.