• Home
  • Fresh Scoops
  • Naapektuhan daw ng pandemiya ang relasyon ni Jin Macapagal sa kanyang longtime girlfriend.

EXCLUSIVE: Jin Macapagal, break na ng girlfriend of almost seven years

Naapektuhan daw ng pandemiya ang relasyon ni Jin Macapagal sa kanyang longtime girlfriend.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/13/2020 12:02 PM
EXCLUSIVE: Jin Macapagal, break na ng girlfriend of almost seven years

Hiwalay na ang ultimate Bidaman winner na si Jin Macapagal sa kanyang non-showbiz girlfriend na nakarelasyon din niya for almost seven years. Ito ang kanyang inamin nang makausap ng PUSH si Jin sa ginanap na pocket presscon ng Suarez: The Healing Priest na entry ng Saranggola Media Productions para sa 2020 Metro Manila Film Festival.

“Naisip ko po kasi na naging co-dependent na pala kami sa isa’t isa,” dahilan ni Jin sa rason ng kanilang hiwalayan.

Patuloy ni Jin, “Hindi naman po kasi kami magkasama ngayong pandemic so mahirap gumalaw. Lagi mong iniisip yung isa na… so nagiging somehow I felt like I was being held down.


“But then kasi hindi ko kayang mag-isa, hindi niya naman kasalanan yon. Kasalanan ko na kailangan ko siya para makagawa ng mga bagay.”

Naghiwalay sina Jin at ang girlfriend nitong May 2020 habang kasag-sagan ng pandemic.

“Naisip ko na okay kami pero nung nag-lockdown parang hingi lang ko nang hingi. ‘Uy, usap tayo.’ Siya din hingi nang hingi. Hindi kami buo, so nakaka-drain.

“Ang cause ng hiwalayan naman ay ako at siya. Ako po yung nakipag-break. Nakikita ko na rin siya na nahihirapan and na-feel ko na meron talagang mali sa akin,” pagtatapat ng binata.

Sa palagay ba niya, ano ang kanyang naging pagkakamali?

Dahilan niya, “Kasi I’m a kid from Cebu. Buong buhay ko talaga nando’n ako. Pero kahit palipat-lipat ako ng bahay, pero my roots sa Cebu talaga. Now that I’m older and I’m trying to pursue something that I want for my life, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“I was very lost… I lost mysef kasi sa  Cebu kilala ako ng mga tao in the sense na hindi ko na kailangang magsabi or ipakita kung sino ako. Pero dahil nga gusto ko yung pagtingin nila sa akin, lagi ko na lang ginagawa yung gusto nila.

“Hindi ko nagagawa yung gusto ko. Hindi ko nakikilala yung sarili ko, kasi nando’n ako sa Cebu that was my comfort zone. Ngayong nandito ako sa Manila hindi ko kilala yung sarili ko – parang sino ba ako? Anong ipapakita ko? Hindi ko naman alam anong ipapakita ko?

“So yon, this lockdown is a blessing in disguise, I know it’s not the same for everyone, pero this is the time that I had to slow down and mag-isip, tanggapin kung sino ako, kilalanin kung sino ako,” pagbabahagi pa niya.

Ayon pa kay Jin ay parang napabayaan din daw niya ang kanyang sarili.

“Nalaman ko rin na parang hindi ko pala inaalagaan ang sarili ko. Hindi ko pala ginagawa yung mga gusto ko… Napapabayaan ko ang sarili ko dahil lagi kong iniisip ang ibang tao. Kaya siguro, ‘eto nagganito (sabay pakita sa mahabang buhok) ako, bahala kayo kung ayaw n’yo sa buhok ko, ako gusto ko yung buhok ko.

“It’s a reminder for me to stop caring about other people as long as wala akong nasasaktan na iba masaya ako then I’ll keep going for it. Ang kulang sa akin ay yung pagmamahal sa sarili ko and tiwala para sa sarili ko,” deklara pa niya.

WATCH: Jin Macapagal reveals he will be part of two MMFF films

Shop at LAZADA this 12.12 Grand Christmas Sale

Si Jin ay gumaganap bilang young Father Fernando Suarez sa Metro Manila Film Festival 2020 movie na Suarez: The Healing Priest na ipapalabas online via Stream.ph simula Christmas Day, Dec. 25. The film is produced by Saranggola Media Productions, directed by Joven Tan at pinagbibidahan ni John Arcilla.