• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento din ni Jairus Aquino ang pinagdaanang anxiety attacks.

EXCLUSIVE: Jairus Aquino, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend

Ikinuwento din ni Jairus Aquino ang pinagdaanang anxiety attacks.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/13/2020 11:31 AM
EXCLUSIVE: Jairus Aquino, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend

Wala nang girlfriend si Jairus Aquino. Tapos na ang relasyon nila ng non-showbiz girlfriend na isang taon at kalahati ang itinagal.

“Things happen… life happens. Yon lang po kaya kong sagutin talaga. Parang kumbaga, yung mga ibang dahilan is bilang respeto na lang din sa kanya at do’n sa relationship.

“Siyempre kahit ano namang nangyari may magandang pagsasamahan naman kayong nabuo, so let’s keep it that way para wala nang ibang maisip yun mga tao,” matipid na kuwento ni Jairus na kasali sa pelikulang Suarez: The Healing Priest na entry ng Saranggola Media Productions sa 2020 Metro Manila Film Festival.


WATCH: Here’s the full trailer for ‘Suarez: The Healing Priest’

Nananatili pa rin sa Star Magic si Jairus sa kabila ng pagsasara ng ABS-CBN. Fourteen years na siya sa ABS-CBN at nagsimula siyang magtrabaho sa TV network when he was only seven years old.

“Siguro ang isa na rin pong dahilan ay wala po akong offer. Wala rin namang offer pa sa iba kaya nandito pa rin ako sas kanila. At saka bilang ano na rin po… respeto sa network na I’ve been with for more than 14 years na rin so parang respeto na lang din po.

“Pero siyempre, at the end of the day kapag kailangan na talaga, kailangan na, kasi hindi naman po tayo habang buhay, eh, magiging okey sa ganito kasi siyempre may mga pangangailangan po tayo, di ba.”

Katatapos lang gawin ni Jairus ng pelikulang Boyette na pinagbibidahan ni Zaijian Jaranilla at nakikiramdam pa raw muna siya kung anong mangyayari sa susunod. May kontrata pa naman daw siya Star Magic hanggang May 2021.

May mga na-invest na ba siya para sa sarili at sa pamilya sa 14 years na pagiging Star Magic artist niya?

Sagot ni Jairus, “Well, honestly speaking medyo not as much as other actors in ABS-CBN na meron, di ba?  Natutulungan nila ako for almost 14 years na makabili ng mga sasakyan, matulungan yung sarili ko and stuff like that. Pero para sa mga nangyayari ngayon, kung magla-last ako for a year medyo hindi na.

“Kung ako lang po ah, like sa akin lang kasi si daddy may work at si mommy may business naman. Pero kung ako lang, hindi na aabot. Hindi naman ako magastos, talagang hindi lang din talaga kakasya kung ang pagbabasehan ay sa suweldo na meron ako ngayon.”

Inamin din ng young actor na dahil sa mga nangyayari ay madalas siyang magkaroon ng anxiety ngayon.

“Merong ganun, pero kasi I lean more on everything will be alright,” lahad niya. “Tsaka mas kaya kong panghawakan yung kung may ibibigay naman sila kaya ko namang gampanan, eh, so parang…

“Actually, before naman po talaga ng pandemic may anxiety na ako, parang umaano na siya. Pero siyempre dahil busy, may work, so nada-divert yung atensyon mo and okey siya. Kumbaga, nag-a-attack lang siya pag sobrang problemado, pero ngayon, nung pandemic talaga don nag-start na mag-trigger siya nang mas madalas.

“Tapos yung mga  nangyari pa sa ABS (CBN). Nandiyan na yung sleepless nights, andiyan na yung biglang hindi makahinga. Meron pang time na nagdi-dinner lang kami ng family ko, tapos na akong magdinner pero pagtayo ko nag-brownout lang tapos boom nag-trigger na yung anxiety. Feeling ko nagsara bigla yung buong mundo ko tapos hindi na ako makahinga,” kuwento pa ni Jairus.

Pero tolerable daw naman ang mga anxiety attacks niya, yon nga lang bigla-bigla itong nangyayari lalo na kung sobra siyang pagod at walang masyadong tulog.  Ayon pa sa binata, isa rin sa dahilan nito ay ang pagiging overthinking niya sa mga problema.

December of last year (2019) nang sinubukan ni Jairus na mag-seek ng advice sa doctor tunkol sa kanyang nararamdaman.

Shop at LAZADA this 12.12 Grand Christmas Sale

“Walang formal one-on-one  with the doctor pero may tinatwagan akong doctor na nangungumusta lang sa akin. Tapos kunyari kung may nararamdaman ako tatawag ako sa kanya kung ano ang puwede kong gawin. Pero wala pong pormal na consultation talaga,” huling pahayag ni Jairus.

Ipalalabas ang Suarez simula December 25 sa Upstream.ph bilang isa sa 10 kasali sa MMFF. The film is under the direction of Joven Tan.