• Home
  • Fresh Scoops
  • Ang ‘Magikland’ ay mula sa obra nang namayapang direktor na si Peque Gallaga noong 1996.

‘Magikland’ star Migs Cuaderno, masaya sa unang pagsabak sa MMFF

Ang ‘Magikland’ ay mula sa obra nang namayapang direktor na si Peque Gallaga noong 1996.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/12/2020 07:00 PM
‘Magikland’ star Migs Cuaderno, masaya sa unang pagsabak sa MMFF
Photo Credit: @miggscuaderno on IG

Masaya at hindi pa rin makapaniwala ang young actor na si Migs Cuaderno sa mapapabilang sa 2020 Metro Manila Film Festival [MMFF] ang kanilang proyekto na Magikland. 

Ang Magikland ay isang family-oriented movie na pinagbibidahan ng apat na kabataang na-trap sa isang virtual game, ang Magikland. 

In an interview with Cinema News, ibinahagi ng isa sa mga bida nito na si Migs ang kaniyang excitement na napabilang ang kanilang proyekto sa taunang film festival, ang MMFF. 


Napakasaya dahil matagal ko na rin pong pangarap na makasali sa MMFF, kahit anong entry po, kahit hindi naman po ako bida pero napaka bait po ni Lord at binigyan po ako ng project na ganito na ako po ang bida at nakapasok po sa MMFF at napaka laking fillm po nito,” tugon ni Migs sa panayam. 

Ibinida rin ng young actor ang kaniyang papel na gagampanan na tiyak makaka-relate ang mga batang manonood na nahuhumaling ngayon sa online video games. 

 

 

Ako po dito si Boy Bakunawa po, kung nakita niyo po sa trailer, parang meron po akong sword don na parang isang bakunawa, panoorin niyo po ang film para makita niyo po ‘yung parang dragon na ‘yun. Family oriented siya, pero more on parang ‘yung mommy niya kasi mayroong cancer, so makikita po natin ‘yung aspect na ‘yun ng pagkatao niya.” 

 

 

Ang Magikland ay mula sa obra nang namayapang direktor na si Peque Gallaga noong 1996 na Magic Temple kaya naman, isang karangalan sa mga bida niyo na finally maipalabas na at maututuloy nila ang legacy ng hit ‘90s movie na nagmarka noon sa mga batang ‘90s. 

Kahit na meron po tayong pandemya ngayon, mayroon pa rin way para mai handog natin ngayon sa mga kababayan natin ngayon ang ating pelikula,” pahayag pa ng young actor. 

Under the direction of Christian Acuna, kasama rin sa Magikland sina Jun Orbano, Joshua Eugenio, Jamir Zabarte, Dwight Gaston, Bibeth Orteza, Elijah Alejo, Princess Aliyah Rabara, Hailey Mendez, at Ken Ken Nguyad. 

Mapapanood ang Magikland sa December 25 sa pamamagitan ng digital streaming na Upstream na partner ng MMFF sa pagpapalabas ng mga pelikula ngayong new normal set up.