• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagdadalantao si Isabelle Daza sa kanyang pangalawang anak sa asawa na si Adrien Semblat.

Isabelle Daza buntis sa pangalawang anak

Nagdadalantao si Isabelle Daza sa kanyang pangalawang anak sa asawa na si Adrien Semblat.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/11/2020 04:16 PM
Isabelle Daza buntis sa pangalawang anak
Photo Credit: @isabelledaza Instagram

Nagdadalang-tao ang aktres at TV host na si Isabelle Daza sa kanyang pangalawang anak sa asawa na si Adrien Semblat. 

Nitong Biyernes, Disyembre 11, inanunsyo ng 32 anyos na aktres sa isang Instagram post ang kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak suot ang maternity leggings na kanyang ini-endorso. 

READ: Isabelle Daza and Liz Uy discuss their parenting style


Ani Isabelle, 21 linggo na siyang nagdadalang-tao. 

“We wanted to create a maternity legging that was inclusive of all lifestyles (even lying on the couch) at an approachable price … btw 21 weeks today,” ani Isabelle.

Tingnan ang post ni Isabelle sa ibaba: 

 

 

Binati naman si Isabelle ng mga kanyang mga taga-hanga at mga kaibigang artista tulad nina Raymond Gutierrez, Jessy Mendiola, at Iya Villania.

"Yaaaaaaaaay!!! More babies! Congratulations," saad ni Mariel Rodriguez-Padilla.

Tugon ni Ryan Agoncillo sa post ni Isabelle: ”Congratulations! ️ Or are you just busog?” 

READ: Isabelle Daza collects donations from Hong Kong for typhoon Ulysses victims

“Can’t wait to meet baby semblat number 2!!!!!!" ani Raymond Gutierrez.

Saad naman ni Jessy: “Congrats Belle!”  

Sambit ni Iya: “Belle! Soooo happy! Yaaay” 

 

 

Isinilang ni Isabelle ang kanyang panganay na anak na si Baltie noong taong 2018. 

Samantala, kasalukuyan namang naninirahan si Isabelle sa kasama ang kanyang asawa na si Adrien at anak na si Baltie sa Hong Kong. 

Si Isabelle ay anak ng Miss Universe 1969 titleholder na si Gloria Diaz. Lumabas si Isabelle sa iba’t-ibang teleserye ng Kapamilya network gaya ng Nathaniel, Tubig at Langis, at Playhouse.