• Home
  • Fresh Scoops
  • Unti-unti nang nakukumpleto ang mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa para sa susunod na edisyon ng Miss Universe.

Miami, Florida, to host 69th edition of Miss Universe?

Unti-unti nang nakukumpleto ang mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa para sa susunod na edisyon ng Miss Universe.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/10/2020 11:55 AM
Miami, Florida, to host 69th edition of Miss Universe?
Photo Credit: @rabiyamateo Instagram

Sa nalalapit na pagtatapos ng 2020, looking forward na ngayon ang maraming pageant fans sa inaabangan na coronation day ng most prestigious pageant, ang Miss Universe.

Ito na 69th edition ng pageant kung saan lalaban ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

READ: Iloilo’s Rabiya Mateo crowned Miss Universe Philippines 2020


Kasunod nito, ilang balita na ang naglabasan kabilang na ng pageant schedule at venue ng prestigious pageant na isa sa mga naantala dahil na rin sa COVID-19.

Sa unconfirmed buzz ng pageant fans, inaasahan umano na gaganapin ang 69th Miss Universe pageant sa Miami, Florida USA na gaganapin sa February 14 ng 2021.

Ayon pa sa bali-balitang ito, sa unang bahagi ng 2021 magsisimulang maghanda ang mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang pagsunod nila sa health standards and protocols bilang pagiingat na rin sa COVID-19.

Ayon sa usap-usapan, “Miss Universe 2020 will take place in Miami Florida, USA on February 14, 2021. According to sources, National Directors already received a message from MUO that they should pick/choose their Representative until December if they wish to join for the 2020 edition of Miss Universe. Candidates should undergo on a Swab Test before have their flight to Florida.”

Tentative schedule:

January 28 - February 1: Swab Test

February 2 - 3: Arrival of Candidates and Registration

February 10: Closed Door Interview

February 11: Preliminary Competition

February 14: Coronation Night & After Party

February 15 - 16: Departure of Candidates

“More than 60 to 70+ Candidates are expected to compete,” post ng pageant page na Sash Philippines.

Mas uminit pa ang usap-usapan ng fans kaugnay ng pageant venue sa naging post ng gemologist at businessman na si Fred Mouawad kasama ang Miss Universe Thailand na si Amanda Obdam.

Sa deleted na ngayong post, binati nito ang Thai beauty queen sa magandang outcome ng kanilang shoot para sa jewelry line ng Mouawad.

“Thank you for shooting with Mouawad jewelry. Wishing you much success with the Miss Universe International contest in the USA next year. You are ready to dazzle the world,” caption ng businessman sa deleted post.

Photo courtesy @titasofpageantry

Ang Mouawad ang official crown maker ng Miss Universe Organization na nagsimula nitong 2019.

Isa ang Miami, Florida sa minsan naging tahanan ng Miss Universe. Sa katunayan, sa Miami, Florida rin nasungkit ni Gloria Diaz ang unang korona ng Miss Universe para sa Pilipinas noong 1969.

Si Zozibini Tunzi ng South Africa ang reigning Miss Universe at magpapasa ng titulo bilang susunod na Miss Universe.

Sa ngayon, wala pang confirmed at official statement ang Miss Universe organization sa bali-balitang ito.