• Home
  • Fresh Scoops
  • Naghiwalay sina Andrea Torres at Derek Ramsay noong Nobyembre.

Andrea Torres, magiging memorable ang Pasko kahit single na ngayon

Naghiwalay sina Andrea Torres at Derek Ramsay noong Nobyembre.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/10/2020 12:49 PM
Andrea Torres, magiging memorable ang Pasko kahit single na ngayon
Photo Credit: @andreaetorres Instagram

Walang boyfriend si Andrea Torres kaya single siya ngayong Pasko. Katatapos lang nilang maghiwalay ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay kung saan tumagal din ang kanilang relasyon ng halos isang taon.

Kung may relasyon pa ang dalawa ngayon ay malamang ang hunk actor ang kasama niyang magsi-celebrate ng Christmas.

Ayon kay Andrea, hindi maapektuhan ang kanyang Christmas kahit pa naghiwalay sila ni Derek. Tuloy din daw ang selebrasyon niya ng Pasko kasama ang pamilya na kanilang nakagawian na taun-taon.


Naghiwalay sina Andrea at Derek nitong November 2020.

READ: Andrea Torres on breakup with Derek Ramsay: ‘I will always wish him and his family well’

“Magiging memorable po yung Pasko ko ngayon dahil ang dami nating pinagdaan this year. Feeling ko mas mabigat yung pag-celebrate talaga ng Christmas,” pag-amin ng dalaga.

Ibinahagi rin ni Andrea kung ano ang kanyang Christmas wish sa taong ito na para daw sa kanyang pamilya.

Lahad niya, “Ang gusto ko lang talaga ay maging healthy yung family ko and magsama-sama na kaming lahat.”

Ngayong walang karelasyon ay todo-focus muna si Andrea sa kanyang mga showbiz commitments.

“Actually, dinasal ko ‘to. Miss ko na magtrabaho. Sabi ko sana maraming trabaho ang pumasok,” masaya niyang pahayag.