• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Ogie Diaz ang naging usapan nila ni Vice Ganda sa naturang isyu.

Vice Ganda, usap-usapan na ang planong pagkakaroon ng sariling anak

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang naging usapan nila ni Vice Ganda sa naturang isyu.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/01/2020 05:11 PM
Vice Ganda, usap-usapan na ang planong pagkakaroon ng sariling anak
Photo Credit: @ogie_diaz and @praybeytbenjamin Instagram

Sa panibagong vlog ng talent manager at actor na si Ogie Diaz, napag-usapan ang tungkol sa plano umanong pagkakaroon ng anak ng komedyanteng si Vice Ganda. 

“Ka-text ko si Vice. Sabi ko, ‘Vice, kareerin natin ‘yung ano mo.’ ‘Yung magkaroon siya ng anak,” pagbabahagi ni Ogie. 

Ani Ogie, hinimok niya si Vice na magkaroon ng anak lalo pa’t alam niya kung gaano kaganda ang lahi nito. 


 

 

“Siyempre may kilala akong doktor na ganoon, kaya hinihimok ko si Vice. Sabi ko mag-ano ka, ikalat natin ang lahi mo. Si Vice kasi matalino, grabe ang sense of humor, hindi ba? Mag-extend man lang noon,” saad ni Ogie. 

Pagpapatuloy ni Ogie, nag-usap na daw sila ni Vice at sinabing sasamahan niya raw ito papunta sa doktor na kakilala niya.

“Sabi sa akin ni Vice, ‘Sige, kareerin natin ‘yan.’ Excited kasi ako for Vice talaga, sasamahan ko siya kasi kilala ko ang doktor,” ani Ogie. 

In vitro o paghahalo ng semilya ni Vice at itlog ng isang donor pinag-usapan nila ni Vice sa ngayon. 

“Meron na silang nagawang ganun. Ima-match mo lang ‘yung egg sa sperm ni Vice. So mamimili ka roon. Sa Thailand yata ginagawa ‘yun. Mayroon mukha tapos nakalagay doon lawyer. ‘Yung isa naman engineer, ‘yung isa naman doktor mga ganoon,” ani Ogie. 

 

 

At dahil matalino si Vice, naniniwala si Ogie na tama lang na magkaroon ng mini-me ang It’s Showtime host.

“Tapos mo pa sa utak ni Vice, eh ‘di bongga ang bata, di ba? Oh ‘di ba mas masarap pa ring makakita ng younger version ni Vice,” saad ni Ogie. 

READ: Vice Ganda, ibinahagi ang dahilan kung bakit ayaw niyang magkaroon ng sariling anak

Bagama’t wala pang pinal na desisyon si Vice, hinikayat niya ang kanyang mga manonood na antabayanan na lang mga susunod na hakbang ng Unkabogable Star. 

“Basta abangan natin ‘yan kung totohanin ni Vice sinabi niya sa akin. Eh ‘yung nauna pa ako. ‘Di ba mahadera ako, ako pa ang nagsabi dito,” kwento ni Ogie.

“Baka biglang sasabihin sa akin, ‘Ikaw inuna mo na ibalita sa iyo, ‘Di pa nga natutuloy tayo.’ Pasensya ka na Vice na-excite lang ako for you. Hayaan mo sa susunod iyo na ‘yun, moment mo na ‘yun ibibigay ko sa iyo ‘yun,” dagdag pa niya. 

Ayon kay Ogie, tingin niya ay makakatulong kay Vice ang pagkakaroon ng anak na mabigyan siya ng ibang pananaw sa bahay. 

“‘Yun lang ‘yung excitement ko na tatay kasi ako gusto ko siya maging tatay para mag-iba rin yung perspective niya in life sa tulong ng anak niya,” ani Ogie. 

 

 

Nitong Hulyo, naging usap-usapan ang pahayag ni Vice kung saan ibinahagi niya ang dahilan kung bakit hindi pa siya handa magkaroon ng anak. 

“Laging natatanong sa akin, ‘Hindi ka ba mag-aanak sayang naman.’ Sabi ko, kung iisipin ko lang ‘yung kakayahan ko, pwede kong sabihin na kaya ko. Pero ayaw ko kasi talagang i-expose ‘yung magiging anak ko sa cruelty ng mundo,” saad ni Vice. 

 

 

Dagdag pa niya: “Ako, kaya ko ‘yun. Puwede kong sabihin, na handa na ako, kasi napagdaanan ko na ‘yan, kinaya ko na ‘yan. Pero ‘yung bata, hindi ko lubos na maisip ‘yung hirap ng anak ko kapag sinalbahe ng mga salbahe, hindi ba? Parang ako na lang.” 

Pagpapatuloy pa nito: “Okay lang kahit mag-isa na lang ako, kahit wala na lang akong anak, basta huwag na lang magdusa ‘yung magiging anak ko kung saka-sakali.” 

Kasalukuyang magkarelasyon ngayon sina Vice Ganda at Ion Perez.