• Home
  • Fresh Scoops
  • Minsan nang naging miyembro ng national sports team si Richard Gomez.

Richard Gomez, niluklok bilang bahagi ng Philippine Olympic Committee

Minsan nang naging miyembro ng national sports team si Richard Gomez.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/01/2020 05:52 PM
Richard Gomez, niluklok bilang bahagi ng Philippine Olympic Committee

Bukod sa pagiging public servant, bagong duties and responsibilities ngayon ang gagampanan ng aktor na si Richard Gomez.

Kamakailan lang, hinirang si Goma bilang isa sa mga miyembro ng Philippine Olympic Committee at niluklok rin bilang second Vice President ng committee.

 


 

Sa Instagram, ibinahagi ni Goma ang bagong milestone sa kanyang karera kasama ang newly elected committee ng Team Philippines sa Olympics.

Kilalang malapit sa sports ang actor-politician. Sa katunayan, minsang naging bahagi ng Philippine team sa South East Asian Games ang aktor para sa larong fencing na ginanap sa Chiang Mai, Thailand noong 1995.

READ: Richard Gomez shares birthday message for daughter Juliana

Sa ngayon, isang active Mayor si Richard Gomez sa bayan ng Ormoc kung saan isinasabay niya ang bokasyon sa pagtulong sa mga susunod na henerasyon ng atletang pinoy.