• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee, nagpapasalamat din sa mga nanood ng kanyang digital movie na ‘Alter Me’ sa Netflix.

Enchong Dee, may personal goal at advocacy na gustong magawa sa 2021

Enchong Dee, nagpapasalamat din sa mga nanood ng kanyang digital movie na ‘Alter Me’ sa Netflix.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/01/2020 03:46 PM
Enchong Dee, may personal goal at advocacy na gustong magawa sa 2021
Photo credit: @mr_enchongdee IG

Nagustuhan ng netizens ang pelikulang Alter Me na ginawa ni Enchong Dee na ipinalabas sa Netflix. Puro positibo ang rebyung natanggap ni Enchong sa movie kung saan first time siyang nagpaka-daring.

“Well, nagpapasalamat ako. Ang wish ko or ang goal ko every time gumagawa akong project is yung marami lang makanood, marami lang maka-appreciate ng ginagawa,” reaksyon ng aktor.

READ: Enchong Dee on getting naked onscreen in Alter Me: ‘Sumugal din ako to drop it’


Hindi rin niya ini-expect na magkakaroon siya ng bagong audience dahil sa pelikula.

“It’s more of masaya ako because maraming bagong audience na naka-notice nung effort na binibigay ko sa trabaho ko,” lahad niya.

Patuloy ni Enchong, “Kasi, di ba, minsan kapag gumagawa ka ng project tapos konti lang nanonood, parang nakakalungot. Siguro, mas inspired ako ngayong gumawa ng panibagong character, ng panibagong film, dahil na-appreciate nila.”

READ: Enchong Dee on being paired with Jasmine Curtis in ‘Alter Me’: ‘I’m just so happy’

Ilang linggo na lang ay 2021 na. When asked kung kasama ba sa personal goal niya ang magkaroon ng love life o magka-girlfriend sa susunod na taon, ani Enchong ay hindi raw.

Paliwanag niya, “Hindi ko talaga siya precisely tinatarget. I always believe that, you know, once the time I’m ready and feeling ko hindi ko siya gagawin in such a way na marami pa rin akong inaasikaso, if that makes sense.”

Naniniwala ang aktor na kung sakaling magkakaroon siya ng karelasyon ay mangangahulugan ito ng matinding sakripisyo.

“I need to sacrifice some things that take my time off love life,” katwiran niya.

Samantala, isa sa personal goal ni Enchong sa 2021 ay gamitin ang kanyang influence para sa voters’ education para sa darating na 2022 election.

“Meron akong gustong i-achieve next year. Parang as simple as a voters’ education. Yon lang muna siguro, lalo na sa pinagdadaanan natin ngayon, parang it’s a necessity. I want to use my position in the society to educate people,” lahad ng Kapamilya actor.