• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinigurado nina Sofia Andres at Daniel Miranda na hindi makakalimutan ng anak na si Zoe ang una nitong kaarawan.

TINGNAN: Anak nina Sofia Andres at Daniel Miranda, nagkaroon ng engrandeng photoshoot para sa unang kaarawan

Sinigurado nina Sofia Andres at Daniel Miranda na hindi makakalimutan ng anak na si Zoe ang una nitong kaarawan.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/09/2020 07:30 PM
TINGNAN: Anak nina Sofia Andres at Daniel Miranda, nagkaroon ng engrandeng photoshoot para sa unang kaarawan
Photo credit: @iamsofiaandres IG

Engrande ang unang kaarawan ng anak nina Sofia Andres at Daniel Miranda na si Zoe Natalia na nagkaroon ng sarili niyang pre-birthday shoot bago ang mismong selebrasyon ng kapanganakan nito. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#ZoeNatalia1stbday


A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#ZoeNatalia1stbday

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

 

Nitong nakaraang linggo, sunod-sunod ang naging posts ni Sofia ng mga litrato mula sa nasabing photoshoot na kinuhanan pa ng Proudrad Photography sa isang pre-war mansion sa Parañaque City na kilala bilang Palacio de Memoria. 

LOOK: Sofia Andres’ daughter poses for studio shoot ahead of first birthday 

Ilan sa mga pinagkuhanan ng litrato ang mga lumang eroplano na matatagpuan mismo sa loob ng nasabing lugar. 

<>
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#ZoeNatalia1stbday

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

 

Nagmistulang family event ang nasabing shoot dahil mismong sina Sofia at Daniel ay kitang-kitang todo ang ginawang paghahanda para mga kasuotan gaya ng kay Sofia na gawa ng designer na si Joe San Antonio. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

What’s the title of our movie? 🍿

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#ZoeNatalia1stbday

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

 

Ang sikat na event stylist na si Gideon Hermosa naman ang gumawa ng set na pinuno ng bulaklak at lobo ang isang sulok kung saan kinuhanan ang ilan sa kanilang mga litrato. 

 

 

Maliban sa mga litrato, naglabas din ng pre-birthday video ang pamilya nila n  

Panoorin ang video sa ibaba: 

Isinilang si Zoe noong Nobyembre 24, 2019 ngunit Hunyo ng ngayong taon lamang isinapubliko ng mag-asawa ang pagkakaroon nila ng anak. 

2018 naman nang lumabas ang bali-balita tungkol sa ugnayan nila ni Daniel Miranda na isang sikat na race car driver mula sa Cebu. 

WATCH: Sofia Andres turns emotional over baby Zoe’s nursery room transformation

Taong 2012 nang unang makilala si Sofia Andres dahil sa programang “Princess and I” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 

Mas lalo pa itong sumikat nang maging bahagi ng serye na “Forevermore” kung saan nakasama niya sina Liza Soberano at Enrique Gil. 

Naparehas ito sa iba’t-ibang artista gaya ni Diego Loyzaga na nakasama niya rin sa seryeng “Pusong Ligaw.”

Samantala, mapapanood si Sofia sa inaabangan “La Vida Lena” na pagbibidahan ni Erich Gonzales.