• Home
  • Fresh Scoops
  • “Everything I do right now, kumbaga, part siya ng grand plan of settling down,” ani Luis Manzano nang mapag-usapan ang tunkol sa pagsesettle down nila ng girlfriend na si Jessy Mendiola.

Luis Manzano, aminadong napag-uusapan na ang pagpapakasal sa nobyang si Jessy Mendiola

“Everything I do right now, kumbaga, part siya ng grand plan of settling down,” ani Luis Manzano nang mapag-usapan ang tunkol sa pagsesettle down nila ng girlfriend na si Jessy Mendiola.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/08/2020 10:45 AM
Luis Manzano, aminadong napag-uusapan na ang pagpapakasal sa nobyang si Jessy Mendiola
Photo Credit: @senorita_jessy Instagram

Going strong for four years now, pinaghahandaan na ni Luis Manzano ang kanilang future ng girlfriend na si Jessy Mendiola. Ito ang ibinahagi ng actor-host sa kanyang panayam sa programang Push Bets Live na umere noong Biyernes, November 6.

Nang matanong tungkol sa post ng beteranang aktres na si Vivian Velez last July na he already “expressed his desire to marry Jessy” noong Pebrero, sagot niya, “I mean, wala namang problema, pinag-uusapan naman natin ‘yun before pa actually. Alam mo, actually, first or second year pa lang namin ni Jessy, pinag-uusapan na ‘yan and of course, Ms. Vivian is right din naman na the intentions are there and will always be there.”


Bilang matagal na rin silang magkasintahan ay normal na raw na napag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal at family life. “Yes. Saka di naman maikakaila na medyo pa-senior na rin ako if you will, na I’m not the youngest guy on the block. So ‘dun din papunta talaga ‘yung future.”

 

 

“Everything I do right now, kumbaga, part siya ng grand plan of settling down. Hindi lang ‘to ‘yung basta ‘Ay tanggap akong show para may panggastos ako, hindi. Ngayon, tanggap akong ganito para may panggastos sa magiging pamilya, may pahabol ng thought na gano’n,” dagdag pa niya.

Samantala, ibinahagi rin ni Luis na nagkaroon sila ng quality time ni Jessy ngayong quarantine, ngunit sinabi na namiss din nila na magkaroon ng quality time with their families bilang may pandemya.

“Yes, nakapagquality time kami. We got to spend time with each other din naman talaga. Ang hirap nga din kasi dahil kaming dalawa, kahit papaano, medyo bagets pa if you will. So ang pinakanamiss namin would be quality time with the family, ‘yun ‘yung pinakanamiss namin.”

“Kasi siyempre, kahit siya, she works. Ako, I work so you never know eh, kasi mamaya one may be – knock on wood – maybe asymptomatic. Syempre ayokong dalhin kung anuman ‘yun sa pamilya ko, di ba? And siya rin naman. So kami, may quality time pero sana may quality time kami sa mga families namin,” aniya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

4 years and counting. ❤️ #tbt

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

 

Samantala, bukod sa pagbabalik ng programang I Can See Your Voice ay mayroon din bagong online show si Luis na pinamagatang Luckyng Tulong kung saan tutulong siyang solusyunan ang ilang hinaing ng mga netizens kasama si Long Mejia. Mapapanood ito sa kanyang YouTube channel na Lucky Manzano.