• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinalita ni Angeline Quinto ang malungkot na balita ng pagkamatay ng kanyang ina ngayong Nobyembre 7.

Mama Bob ni Angeline Quinto , pumanaw na

Ibinalita ni Angeline Quinto ang malungkot na balita ng pagkamatay ng kanyang ina ngayong Nobyembre 7.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/07/2020 11:45 AM
Mama Bob ni Angeline Quinto , pumanaw na
Photo Credit: @iloveangelinequinto Instagram

Puno ng lungkot at pagdadalamhati ngayon ang singer na si Angeline Quinto sa pamamaalam ng kanyang adoptive mother na si Mama Bob.  

Sa pamamagitan ng isang social media post nitong Sabado November 7, kinumpirma ni Angeline ang malungkot na balita.  

“Mag-iingat ka sa paglalakbay Mama,” bungad ni Angeline sa post kasama ang picture na yakap niya ang ina sa hospital bed.  


Patuloy pa na post ng singer: “Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa paraiso, masaya ako nandyan ang Panginoon para umalalay sayo. Hinding hindi ako mapapagod sa pagpapasamalat sayo Ma, dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo. Hanggang sa muli nating pagkikita MAHAL NA MAHAL KONG MAMA BOB." 

Matatandaan na nitong mga nagdaang buwan ng 2020, patuloy ang paghingi ng panalangin ang singer sa kanyang mga kaibigan at sa mga supporters sa social media para sa pag recover ng kanyang ina  na naka ICU.  

READ: Angeline Quinto’s adoptive mom still in ICU

July ng 2019, napaulat ang pagsailalim sa isang heart surgery ni Mama Bob kung saan pinalitan ang pacemaker nito sa kanyang puso.  

READ: Angeline Quinto’s Mama Bob undergoes heart surgery

Sa mga panayam kay Angeline, madarama ang pagmamahal at suporta ni Mama Bob sa kanyang adoptive daughter na naniwala sa kanyang talento bilang isang magaling at hinahangaang singer ngayon.  

Sa pagdadalamhati ni Angeline, buhos naman ang pakikiramay ng kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz na idinaan sa social media ang kanilang pakikisimpatya para sa singer.