• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaclyn Jose, nasanay na sa lock-in taping dahil kay Brillante Mendoza

Jaclyn Jose, may epekto ang pandemya sa pagpili niya ng mga role

Jaclyn Jose, nasanay na sa lock-in taping dahil kay Brillante Mendoza

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/05/2020 05:21 PM
Jaclyn Jose, may epekto ang pandemya sa pagpili niya ng mga role
Photo credit: MEGA

Na-experience na ni Jaclyn Jose ang lock-in shooting sa pelikula nina Piolo Pascual at Jasmine Curtis na Real Life Fiction kaya hindi na bago sa kanya ang set-up sa shooting ng The Housemaid ng Viva Films kung saan naka-lock-in din ang cast sa isang lugar ng 10 araw.

“It’s my second time. My first was with Direk Paul Soriano. It was okey naman, maingat, maayos, sumusunod sa protocol. And I’m sure ganun din ang mangyayari with this movie,” simulang pahayag ng aktres.

Ganito rin daw ang set-up kapag gumagawa siya noon ng pelikula kay Direk Brillante Mendoza.


“I’m used to doing movies like this, hindi nga lang lock-in pero parang lock-in na rin because with Brillante, pag gumagawa ka ng pelikula sa kanya kailangan yon lang ang gagawin mo for two weeks. Pack-up, uwi, balik in two weeks, so mas ano siya, nakakakapag-focus ka.

“Sa akin it works na ganun, hindi ka naguguluhan. Tapos sinasabihan ko ang lahat ng relatives na kapag emergency lang do’n lang ako puwedeng tawagan,” kuwento ni Jaclyn.

Sa kanyang status bilang isang Cannes International Film Festival best actress awardee, paano ba siya pumipili ng role at ano ang kanyang nagiging basehan?

Sagot ni Jaclyn, “Una, script. Well, we would like to be honest, we ask for the script. Your manager will call you to say that there’s a project here. And then, pag nagkasundo, we’ll say yes.

“And then we ask for the script because it’s pandemic, it’s not all the time that you’re going to say yes. Kailangan alamin mo muna kung anong casting yung ginagawa mo, kung pucho-pucho ba ito or ligtas ka ba. Hindi katulad dati na hindi mo masyadong iniisip yung pagtanggap.

“Ngayon maraming consideration kasi nga may pandemic. So pagka nagkasundo sa lahat ng bagay at maayos ang lahat then we say yes.”

Iginiit din niya na kahit meron siyang international recognition ay hindi ito nakakadagdag ng pressure sa ginagawa niya as an actress.

“Well, in any role naman I always do my best, eh. Kung ano lang yung dapat yon lang naman yung binibigay ko. In all my projects I always give not more than what the character is asking. Sapat na sapat lang at kailangan matalinong pagganap lang.

“Well, I always say this, kapag gumagawa ako ng character or nagpo-portray ako ng character gusto kong isipin ng audience na, ‘Ay, may mangyayari ata, ano kaya susunod?’ Pero wala naman pala. Ganun ko nilalaro yung characterization, para lang buhay,” she said.

Samantala, sa Pinoy version ng The Housemaid na isang classic hit film sa South Korea noong 2010 ay gagampanan ni Jaclyn ang karakter ni Martha, ang mayordomang nagsisilbi sa isang mayamang pamilya at magiging saksi sa lahat ng nangyayari sa loob ng bahay ng kanyang pinaglilingkuran.