• Home
  • Fresh Scoops
  • May mga ini-record umanong kanta ang yumaong Slapshock frontman na si Jamir Garcia bago ito sumakabilang-buhay.

Partner ni Jamir Garcia, umaasa na mailalabas ang mga bagong kantang ni-record ng singer

May mga ini-record umanong kanta ang yumaong Slapshock frontman na si Jamir Garcia bago ito sumakabilang-buhay.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/30/2020 05:31 PM
Partner ni Jamir Garcia, umaasa na mailalabas ang mga bagong  kantang ni-record ng singer
Photo credit: @mommy_jaya IG

May pakiusap si Sojina Jaya Garcia para sa yumao nitong partner at Slapshock vocalist na si Jamir Garcia. 

 

 

Sa ekslusibong panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Jaya na umaaasa siyang mailalabas ang mga kanta ini-record ng kanyang yumaong partner na si Jamir Garcia sa kalagitnaan ng pandemya. 

“Kung ako lang ang masusunod, dapat ma-release na 'yon kasi pinaghirapan niya 'yon nung lockdown. Ipapaubaya ko na lang 'yung desisyon sa dalawang naiwang band members,” ani Jaya. 

Slapshock vocalist Jamir Garcia reportedly dead

Samantala, nlubos naman ang pasasalamat ni Jaya sa mga nakiramay sa kanilang pamilya. 

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng nakiramay sa amin,” ani Jaya. Dagdag nito: “Gusto ko sana tuluy-tuloy at sama-sama nating alayan ng dasal si Jamir." 

 

 

Kasalukuyang nakalagak ang mga labi ni Jamir sa St. Peter’s Memorial Chapel sa Quezon City, Samantala, nakatakda namang i-cremate si Jamir ngayong Martes. 

Itatago muna ang mga abo ni Jamir habang inaantay ang pagdating ng ama nito mula sa Estados Unidos. 

Bago ito yumao, nag-disband ang Slapshock dahil sa iba’t-ibang isyu na may kinalaman sa pera. 

WATCH: Jamir Garcia’s partner in tears as she speaks up on late musician’s death

Binubuo ang Slapshock ng mga miyembro nitong sina Lean Ansing, Jerry Basco, Lee Nadela, at Chi Evora. 

Sa loob ng mahigit dalawang dekada, nakapaglabas ng maraming kanta ang Slapshock kabilang na ang “Cariño Brutal,” “Langit,” “Agent Orange,” “Salamin,” “Luha,” at “Anino Mo.”