• Home
  • Fresh Scoops
  • Tinikman ni Vicki Belo ng iba’t-ibang street food gaya ng penoy, kwek-kwek, at isaw.

‘Bakit naging bitter?’: Vicki Belo na-stress nang pinatikim ng isaw nina Jason Francisco, Melai Cantiveros

Tinikman ni Vicki Belo ng iba’t-ibang street food gaya ng penoy, kwek-kwek, at isaw.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/03/2020 09:57 AM
‘Bakit naging bitter?’: Vicki Belo na-stress nang pinatikim ng isaw nina Jason Francisco, Melai Cantiveros
Screenshot from Dr. Vicki Belo YouTube Channel

Sumabak sa isang street food challenge si Vicki Belo kasama ang mag-asawa na sina Jason Francisco at Melai Cantiveros.

Pinatikim nina Jason at Melai Cantiveros-Francisco si Vicki Belo ng iba’t-ibang klase ng street food gaya ng squid ball, kikiam, kwek-kwek, adidas, at isaw nang binisita nila ang sikat na dermatologist sa bahay nito.

READ: Vicki Belo tells Julia Barretto: ‘This is the sexiest na buntis girl I’ve ever met’


“Ano ‘to? Ang bitter. Ano ‘yun?” tanong ni Vicki sa mag-asawa. Sagot ni Melai: “’Yun ang mga nakain [ng manok].” Pabirong dagdag pa ni Jason: “The bitter the better.”  “Parang may ibang weird eh. ‘Yung isa okay.”

 

 

Pag-amin ni Vicki pagkatapos tikman ang isaw: “Pagod na ako. Nakaka-stress ‘to.”

Kaya naman nang pintakim na sa kanya ng mag-asawa ang adidas ay tuluyan na itong sumuko at sinabing: “Ayoko. This looks really scary. I really cannot do this. I’m sorry.”

Hindi kalaunan ay sumali na rin ang asawa nitong si Hayden Kho na ani Vicki ay mahilig kumain ng street food.

LOOK: Vicki Belo, daughter Scarlet Snow in matching ‘Wonder Woman’ costumes for Halloween

“Imagine mo lang kinakamot ‘yung dila mo. Parang lenggua lang ‘yan eh – habang nilalasahan mo, nilalasahan ka rin,” saad ni Hayden.

Panoorin ang vlog sa ibaba:

Maliban sa street food challenge, naglaro din sina Vicki Belo ng “Who’s Most Likely” challenge kasama ang asawa nitong si Hayden Kho.

Dito, nagkabukingan tungkol sa buhay mag-asawa matapos itanong ang mga katunangan gaya ng kung sino ang mas pikon, ang unang nangangalabit, at makakalimutin pagdating sa mga espesyal na okasyon.