• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinagot na si Cheryl Alonzo-Tyndall sa unang pagkakataon ang mga akusasyon sa kanya ng anak na si Sarah.

Nanay ni Pia Wurtzbach, nagsalita na tungkol sa mga akusasyon ng anak na si Sarah

Sinagot na si Cheryl Alonzo-Tyndall sa unang pagkakataon ang mga akusasyon sa kanya ng anak na si Sarah.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/03/2020 08:39 AM
Nanay ni Pia Wurtzbach, nagsalita na tungkol sa mga akusasyon ng anak na si Sarah
Photo credit: @piawurtzbach, @sarahwurtzbach Instagram and MOMMY CHERYL WITH A HEART YouTube Channel

Nagsalita na ang ina ni Pia Wurtzbach na si Cheryl Alonzo-Tyndall laban sa mga akusasyon sa kanyang bunsong anak na si Sarah. 

Sa isang vlog, sinamahan si Cheryl ng kanyang asawa na si Nigel na kasama niyang magpalaki kay Sarah upang sagutin ang mga ibinato ng kanyang anak sa kanya nitong mga nakaraang linggo. 

Ani Nigel, galit na galit siya dahil hindi niya lubos akalain na gagawin ito ni Sarah sa kanyang ina pagkatapos umano ng lahat ng ginawa nila para sa kanya. 

“You may or not know about Sarah and Charlie’s rantings on social media about Mommy Cheryl two days ago. We had sleepless nights and was greatly affected by it. I was angry. Very angry as to how his daughter could slap her mother after all the things that we’ve done,” ani Nigel. 

READ: ‘Ang baho ng ugali mo’: Sister tells Pia Wurtzbach in controversial posts

Nakiusap naman si Cheryl na huwag siyang husgahan dahil ginawa nito ang lahat upang mapalaki ng maayos ang kanyang anak. 

“‘Wag niyo po akong husgahan dahil talagang inalagaan ko po ‘yung aking mga anak. Pero dahil sa mga barkada sa labas, naaya si Sarah na lumabas-labas, makipaglaro,” saad ni Cheryl. 

Inalala ni Cheryl ang isang pangayayari noong nakatira pa sila nina Pia at Sarah noon sa Pasig kung saan may isa silang kapitbahay na lumapit umano para magsumbong 

“Meron pong isang concerned na neighbor na nagsabi sa akin, ‘Ate, bantayan mo ‘yang si Sarah kasi dina-drugs ‘yan doon sa dulo. Baka kung ano na ang nangyayari sa anak mo. Bantayan mo’,” kwento ni Cheryl. 

Agad umano niyang kinausap si Sarah ngunit tumanggi ito sa mga ibinato sa kanyang alegasyon ng kanilang kapit-bahay. Bagama’t sinubukang magpatawag ng pagpupulong sa kanilang barangay sa Pasig, hindi umamin si Sarah at tuluyang sinara ang kaso. 

Nang lumipat na sila sa United Kingdom, binalikan ni Cheryl ang isang insidente kung saan tinawagan siya ng punong-guro nang pinapasukang paaralan ng kanyang anak dahil umano sa isyu nang pang-aabuso. 

Matatandaang una nang sinabi ni Sarah na tinawag siyang loka-loka ng kanyang ina dahil umano sa pagiging biktima niya ng pang-aabuso. 

“Nu’ng lumipat na po kami dito, siguro mga after a year — nag-aaral pa rin si Sarah — meron akong sulat na natatanggap galing sa Principal ng eskwelahan na ano daw ba ang sinasabi ni Sarah na mayroong abuse na nangyayari sa kanya. Eh di ako po litong-lito,” kwento ni Cheryl. 

READ: Matapos ang patutsada ng kapatid, kampo ni Pia Wurtzbach may pakiusap

Agad umanong pumunta si Cheryl sa paaralan ni Sarah at kinausap ang punong-guro. Ikinagulat umano nito nang malaman na ikwinento ng kanyang anak ang naranasan nitong pang-aabuso sa Pilipinas. 

Bagama’t pinilit niya umanong magsalita si Sarah, hindi raw ito nagsalita kaya hinayaan niya na lang ito at piniling mag “move on.”

“Nag-move on kami. Wala kaming magawa. Pupunta ba kami o hindi doon, sino ang hahanapin namin? Sino ‘yung kakalabanin namin? Ayaw naman niyang magsalita. Takot yata. Baka tinakot. Ano naman ang i-aareglo namin sa pamasahe at demandahan? Andito na lang din kami, mag-move on na lang. So akala ko naka-move on na siya,” ani Cheryl. 

 

Sinabi din ni Cheryl na pinuntahan nila ang paaralan ni Sarah nang malaman na nakakaranas ito ng bullying. 

“Matalino po si Sarah, magaling sa Math. She’s a smart girl. She always had Grade A in her cards. Na-bubully siya, hindi ko alam kung bakit. She was bullied many times and then we went there to school. We fight there, but you cannot just fight the parents and the children that bullied her,” sambit ni Cheryl. 

Ayon pa kay Nigel, minsan niyang sinamahan si Sarah upang tukuyin ang nambubully dito para kausapin ito.  

If I remember rightly, she was being bullied by one boy I went up to the school and she talked. Sarah told us that she’d always spoken to the principal, but nothing happened about it. So I went up to school and I had a word with the boy. Sarah pointed him out to me. Then I went down the word with the boy quite sternly. And as far I know, he never went near her again,” ani Nigel.

 

Naniniwala naman si Cheryl na mahal siya ng kanyang anak na si Sarah at “postpartum” lang ang dahilan ng galit nito sa kanya. 

That’s all I can say for now because I love my daughters. I don’t believe that she hates me so much. I know she loves me. I still believe that. I just want to believe it’s postpartum,” ani Cheryl.