PANOORIN: Vice Ganda, binsita sa unang pagkakataon ang bahay ng Beks Battalion

Nakigulo si Vice Ganda sa bahay ng Beks Battalion.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/29/2020 06:47 PM
PANOORIN: Vice Ganda, binsita sa unang pagkakataon ang bahay ng Beks Battalion
Photo Credit to Vice Ganda YouTube Channel

Bumisita si Vice Ganda sa bahay ng Beks Battlion upang imbestigahan kung may mga “karumal-dumal” na kaganapan sa loob ng sikat na bahay ng magkakaibigang sina MC, Lassy, at Chad Kinis. 

 

 

Nilibot ni Vice Ganda ang iba’t-ibang parte ng bahay ng Beks Battalion sa unang pagkakataon kasama ang kanyang kaibigan na si Erna. 

Read: PANOORIN: Beks Battalion, ipinasilip ang naipundar na bahay

Dito, iniisa-isa ni Vice ang bawat silid ng tatlong magkakaibigan. Pinakabumilib si Vice sa kwarto ni Chad na may sarili pang bathtub sa loob ng kanyang banyo. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Samantala, napag-usapan din ang love life ni Chad Kinis na kamakailan lang ay naghiwalay ng kanyang boyfriend. 

Wala na officially kagabi lang. Four months,” pag-amin ni Chad. 

Ani Chad, nasaktan siya sa paghihiwalay nila ng kanyang dating dyowa. “Masakit kasi matagal kami. Live-in. Matagal kami nagsama sa loob eh. So masakit din,” ani Chad. 

Read: WATCH: Sharon Cuneta shares glimpse of glassware collection in second part of condo unit tour

Pagpapagtuloy niya: “Nu’ng huli hindi na. Matagal akong umiyak sa kanya kasi may mga problema na nga. Hindi nga nga [healthy].” 

Kwento ni Chad, maayos ang naging paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend kaya mensahe nito: “Kung nasaan ka man, just be happy and ayun, I loved you and nandito lang ako palagi para sa’yo.”