• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz, ayaw patulan ang usapin tungkol sa ex na si Cesar Montano

Sunshine Cruz on Cesar Montano: ‘My ex-husband is none of my business’

Sunshine Cruz, ayaw patulan ang usapin tungkol sa ex na si Cesar Montano

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/28/2020 12:57 PM
Sunshine Cruz on Cesar Montano: ‘My ex-husband is none of my business’
Photo credit: @sunshinecruz718 and @diegoloyzaga Instagram

Nag-react si Sunshine Cruz sa Instagram post ng writer at talent manager na si Lolit Solis about her at sa ex-husband niyang si Cesar Montano.

Ipinakita ni Sunshine ang naturang post at binilugan din niya ng pula ang kanyang naging reaksyon. Clueless ang Bagong Umaga star kung saan nanggaling ang post ni Lolit na tila hindi raw matapos-tapos ang gulo sa pagitan ng dating mag-asawa gayung pareho na silang may kanya-kanyang partner.

Laman ng IG post ni Manay Lolit, “Hanggang ngayon na meron na sila mga bagong partner para bang every now and then meron pang intriga between them.


“Sana naman matapos na, lalo pa at 3 babae ang anak ni Cesar kay Sunshine na parang hindi maganda tuwing meron lumalabas pang mga issue tungkol sa magulang nila.

“Puwede naman hindi na sila nagbibigay ng statement, o sumagot sa issue, basta tinanong, smile na lang para tapos na, huwag ng pag usapan pa. Hindi matigil tigil, para bang umaandar bawat araw , walang katapusan.Kanya kanya na sila, kaya hintuan na ang issue.

“Dapat wala na silang pakialam sa isa't isa. Dapat iyon communication nila para sa mga anak na lang nila. No more hot words.”

Sa naturang post ni Manay Lolit ay hindi napigilan ng aktres na sumagot at mag-react.

Giit ng aktres, “I haven't said a single word. My ex husband is none of my business. Annulled na po kami.”

Mas ibinubuhos daw niya ngayon ang panahon sa trabaho at tatlong anak niyang babae na sina Angelina, Sam, at Cheska.

“I’d rather focus sa mga anak ko at sa trabaho,” pagdidiin pa niya.

 

 

READ: Sandra Seifert, ipinakilala na nga ba ang ama ng kaniyang anak? 

Nilinaw din ni Sunshine na kahit kailan ay hindi siya nagpaunlak ng interview or nag-isyu ng kahit anong statement patungkol sa ex-husband niyang aktor.

I never gave or I never plan to give any statement or grant any interviews involving my ex. My ex-husband is none of my business,” pagdidiin ulit ni Sunshine.