• Home
  • Fresh Scoops
  • Ella Cruz, nag-iisip na kung ano ang puwedeng gawing project kasama ni Minzy ng 2NE1.

Ella Cruz, hindi makapaniwala na gusto siyang maka-collabrate ni Minzy ng 2NE1

Ella Cruz, nag-iisip na kung ano ang puwedeng gawing project kasama ni Minzy ng 2NE1.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/28/2020 02:52 PM
Ella Cruz, hindi makapaniwala na gusto siyang maka-collabrate ni Minzy ng 2NE1
Photo Credit: @ellacruz and @_minzy_mz_ Instagram

Hindi makapaniwala si Ella Cruz na sinabi ni Minzy, dating member ng sikat na K-Pop group na 2NE1, ang nagbanggit sa nakaraang virtual presscon nito na gusto siyang maka-collaborate ng K-pop artist.

Oh, my God. Grabe, the pressure is on,” tuwang-tuwang pahayag ni Ella sa ginanap na virtual conference nung mag-renew siya ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) nitong Biyernes, November 27.

Patuloy niyang reaksyon, “Of course, when it comes to music, kasi kailangan ko ng maraming utak, maraming people to help me, to collaborate with me, to help me with music. Kasi ang alam ko lang talaga na  music is K-pop and yon yung parang… 


“Until now, hinahanap ko pa rin yung parang right music for me, that will work on me at the same time will work on people, Filipinos around and my fans around me.

I am really looking forward kung anong klaseng collaboration yung sinabi ni Minzy about me and I’m really shock na  na-mention niya ako. Kasi parang, ‘Why me? Bakit niya ako na-mention?’ But I’m really thankful and I’m really happy and looking forward.

READ: Former 2NE1 member Minzy shares why she decided to launch a music career in the Philippines

Ibinalita rin ng versatile actress who can sing, dance, and act na may naisip na siyang idea para sa collaboration nila ni Minzy.

Actually, to be honest nag-iisip na ako. Meron na akong nasa isip kung if it’s about music, if it’s music collaboration meron na akong naisip na I think OPM fans and  K-pop fans will love. So, sana on 2021 matuloy. And sana, given the chance talaga matuloy at magka-collaborate kami ni Menzy,” pagtatapat pa niya.

Bilang isang ordinaryong fan ng K-pop ay sobra raw niya talagang ikinagulat ang naging pahayag ng iniidolo niyang si Minzy.

Oh, my gosh. Sh*t! Totoo ba ito? Parang ano, eh. Oh, my God, minention ako ni Minzy,” paulit-ulit at nagtataka niyang pahayag.

“Isa siya sa mga naging dahilan kung bakit ako na-in love sa K-pop. 2NE1 yung nagmulat sa akin, yung nag-welcome sa akin sa K-pop world, ‘Ella, this is your world.’

Oh,  my gosh being mentioned by a K-pop artist especially Minzy of 2NE1 is like… not even, parang hindi siya totoo. Parang paano nangyari? Why me? Yung ganun, parang, ‘Ay, totoo ba ito? Parang posible ba talaga?’

“But then again, dati pangarap ko lang yung maka-collaborate ng isang K-pop artist or maging isang K-pop artist. Tapos mismong K-pop artist na po ang nag-mention ng sa pangalan ko, so parang, ‘Ha?’ Hopefully talaga, I’m really praying na matuloy po yung collaboration na yon if given the chance sana Viva po ang magpapatupad niyan,” super excited na pahayag ni Ella na another five years ang bagong kontratang pinirmahan sa Viva Artists Agency.