• Home
  • Fresh Scoops
  • Inalala ni Elijah Canlas kung paano niya pinangarap maging award winning actor.

Elijah Canlas, naging emosyonal habang nagpapasalamat sa napalanunang Gawad Urian award

Inalala ni Elijah Canlas kung paano niya pinangarap maging award winning actor.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/28/2020 03:32 PM
Elijah Canlas, naging emosyonal habang nagpapasalamat sa napalanunang Gawad Urian award
Photo credit: @elijahcanlas Instagram

Walang traditional na awards night ang Gawad Urian kung saan nanalong best actor si Elijah Canlas para sa pelikulang Kalel, 15 kaya ni-request ni Allan Diones sa kanyang online show na Tonight with Allan D (2WAD) na magbigay ng kanyang acceptance speech ang aktor.

“Hindi ako ready, Kuya Allan,” wika ni Elijah na humingi pa ng tulong kay Kokoy de Santos na guest din that night sa show.

Ayaw namang tanggapin ni Allan ang dahilan ng actor na hindi siya ready.


“Hindi mo kailangang mag-ready. Kilala kita. Mas bongga kang impromptu. Mas bongga nasasabi mo,” sabi nito kay Elijah.

Nagsimula nang mag-speech si Elijah, “Thank you po sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Natupad po yung pangarap na hindi ko inaakalang matutupad.

“For my family, thank you po sa magulang ko. Kay mom, kay dad, sa dalawa ko pong kapatid for always supporting me in everything that I do. Mahal na mahal ko po kayo.”

Pinasalamatan din ni Elijah ang kanyang director na si Jun Lana at ang partner nitong si Perci Intalan sa IdeaFirst Company.

To Direk Jun and Perci, IdeaFirst Company for trusting me always.

“Grabe. Bakit ngayon emosyonal ako bigla? For trusting me always. For believing in me more than I believe in myself. And for trusting me with Kalel’s story.

“Sobrang karangalan po yon. Salamat sa lahat ng sumusuporta sa akin, na minamahal ako kahit sino ako, sobrang… mahal na mahal ko kayo lahat more than I love myself, as in.  I can’t even stress that enough,” emosyonal na pahayag ng award-winning actor.

READ: Elijah Canlas, Janine Gutierrez, wagi sa 43rd Gawad Urian

Ayon pa kay Elijah, weird ang naging pakiramdam niya nung makita na niya ang Urian best actor trophy.

Kuwento niya, “Nu’ng una ko itong nakita, di ko alam kung anong mararamdaman ko. Nakangiti lang talaga ako. Tapos hindi ako makapaniwalana hawak-hawak ko siya.

“Alam n’yo po yon? Kapag bata kayo, lalo na ako nu’n, lumaki na umaarte na po talaga since bata ako. Matagal ko pong pinangarap na maging parte ng industriya na ‘to. Makagawa ng mga pelikula para makapag-kuwento. Gumanap ng iba’t ibang karakter.

“Parang ito po, sobrang naba-validate na tama po ‘tong ginagawa ko. And it challenges me. It inspires me to be better.”

“Kapag bata kayo, nanonood kayo ng Oscars, or bigla na lang out of nowhere, nasa banyo kayo. Kukunin n’yo yung shampoo, kunwari nanalo kayo ng awards. Mukha kayong tanga pero ginagawa n’yo. Tapos nandito po yung Urian. Hawak ko po siya ngayon,” ang tila hindi pa rin makapaniwala niyang pahayag.

Mapapanood ang Kalel, 15 sa Netflix na simula December 9.

“Sana panoorin n’yong lahat. At sana matigil na po yung stigma around HIV patients, na matigil na poyung paghuhusga with hate, judging with hate,” pahayag pa ng binata.