• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag one million followers na ang Facebook page ni Chef Tatung bago ito nakuha ng hackers.

Celebrity Chef Tatung, na-hack ang social media accounts

Nag one million followers na ang Facebook page ni Chef Tatung bago ito nakuha ng hackers.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/28/2020 07:10 PM
Celebrity Chef Tatung, na-hack ang social media accounts


Na hack ang social media account ng cooking page ng sikat na celebrity chef na si Chef Myke “Tatung” Sarthou. Sa book launch ng kanyang Simpol sa ilalim ng ABS-CBN Books, ipinaliwanag ni Chef ang kanyang narandaman sa pagkaagaw sa kanya ng account na marami na sana ang nagpa-follow

Nakakalungkot nag one million followers na sana kami doon tapos na hack ang account kaya heto nagsisimula kami ulit sa panibagong account namin and good thing naman marami na ang nag follow ulit sa amin,” kwento ni Chef Tatung

Mas pinasarap at kakaibang twist sa classic Pinoy recipes ang nakapaloob sa Simpol cookbook at mayroon din itong QR code sa bawat recipe para ma access ang video version kung paano ihanda ang bawat lutuin.


Sabi ni Chef, marami na siyang nakasamang personalidad na mahusay magluto pero dalawa ang kanyang nabanggit na mahusay sa kusina

Si Marian Rivera magaling siya and si Ai-Ai Delas Alas. Sila yung ilan lang sa magagaling natin artista na magluto,” dagdag ni Chef.

Good news pa na sinabi ni Chef Tatung na qualified ang Simpol cookbook sa 2021 Gourmand Awards na magaganap sa Paris, France sa dadating na taon. 

First love talaga ni Chef Tatung ang pagluluto kayat asahan natin ang mas marami pang recipes sa mga dadating na panahon

Food is incredibly powerful in how it speaks to our values as a nation and a people,” aniya Chef Tatung. “It is important then to continually pass on our knowledge about cooking in a clear and understandable way to reach as many people as possible. Making cooking ‘simpol’ and less intimidating allows the story behind each dish to thrive in the hearts and minds of Filipinos everywhere.”  pagtatapos ni Chef.